Biyernes, Abril 22, 2011

Palabra de Honor

            Hindi na bago sa atin ang salitang Espanyol na Palabra de Honor o Word of Honor ika nga sa Ingles. Pero ano nga ba ang taglay nitong kahulugan para sa isang indibidwal at sa nasasakupang grupo, etc? Gaano rin ba ka importante ito? Mga matatanda lang ba noon ang nagpasimula nito at ginamit? Pero ang malaking katanungan ay meron pa ba tayo niyan?

             Minsan, nakabangga ko/namin ang salitang ito sa isang subject. Nakalimutan ko kung ano ang dahilan kung bakit nagalit ang teacher namin. Ang tanging natandaan ko lang ay parang may sinabi kaming gagawin sa kanyang subject pero hindi namin ito nagawa. At doon niya sinabi ang linyang-- "Waay gid kamo ti Palabra de Honor."

           Tumahimik nga ang lahat. Pero hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila. Wala naman akong kakayahan upang mabasa kung ano ang laman nito. Nasisigurado ko na ang karamihan, nag-iisip kung ano nga ba ang salitang 'yon.

             'Pag sinabing Palabra de Honor tumutukoy ito sa isang pangako o may isang salita.  Pero may mga tao talagang kahit matagal na kayong magkakilala at magkakaibigan, wala pa ring salita at paninindigan.

           Meron din akong experience niyan. Kung ito'y bibilangin, sobrang marami na. Dapat ding palampasin 'yon. Pero may isang pangyayari rin na nawala sa alaala nila ang salitang ito.

          Kapag Semana Santa, panahon para magnilay-nilay. Dito sa Alimodian 'pag sinabing Semana Santa hindi maikaila na ang unang pumapasok sa ating isipan ay ang pag-akyat sa Agony Hill. Nilalakad ang 1st Station hanggang sa last station.

            Ito rin ay isang penitensya upang mabayaran ang ating mga kasalanan. Ang iba, pumupunta lang sila doon para makapag-usap-usap. Ano pa ba ang sinabi nilang panata kung ang pag-akyat nila dun ay hindi rin sila nagdasal? Kalurky 'yong mga ganyang tao. Ang iba naman, ginawang family reunion ang pag-akyat. Sayang lang ang pagod at hindi ginamit sa tamang paraan.

          Pagpatak ng Alas-tres sa hapon, may misa para sa lahat at isang procession. Nakasanayan na 'yon ng mga Alimodiananon na gawin bawat taon.

           1:00PM pa lang, nagtext na ako sa mga ka kilala ko. Dahil merong nagsipangako na magpo-procession kaming grupo. Halos ilang beses pinagplanuhan 'yon. Kaya ako na mismo ang nagsipagtanong kung tuloy ba talaga.

            Pero sa kasamaang-palad, walang may nagreply sa text ko. Ni SmartAlert ay wala akong natanggap. Nakatulog ako ng mahimbing at tumagal ng isang oras at kalahati. Pagka gising ko, umaasa ako na 'pag na-open ko na ang phone ko, may text akong mare-receive. Pero sa kasamaang-palad ulit ay wala.

            Kaya ang tanging alam ko lang na gawin nung oras na 'yon ay ang mag- Group Message (GM) sa mga kakilala ko. 2:30 na 'yon at wala pa ring may nag-text. Ang sabi ko sa sarili ko, 'pag walang may nagtext, hindi na ako magsisimba at magpo-procession. Dahil nga sa wala naman akong kasa-kasama. Para lang akong tanga 'pag ako'y nagprocession. Quarter to 3 na at wala pa rin talaga ang may nagreply.

           Kung kaya't iyon ang dahilan bakit napikon na ako sa kakahintay. Nag-GM ako ng galit na galit.

            May isang malaking katanungan talaga ako nun-- Kung saka-sakaling wala silang load, pwede rin naman silang humiram ng cellphone sa kakilala nila at gamitin pangreply. Para alam ko kung sino ang sasama at hindi. Wala rin ba silang sentido kumon nung mga oras na 'yon? Mahirap bang i-text ang salitang HINDI kung ayaw mo namang sumama? Ano pa ang silbi ng cellphone mo kung hindi mo rin lang naman gagamitin pag kinakailangan na? Ngunit Subalit Datapwat, ginagamit lang nila ito sa mga witi-witing bagay.

          Eksaktong 3PM na at nagtext si Shanen sa akin na kung magsisimba ba ako. Oo! ang reply ko. Nawala na sa isip ko kung sino man ang kasa-kasama ko. Basta makapagsimba lang ako. Nakabihis na ako at hinhintay ko lang ang mga nagsabi noon na mag procession pero wala naman.

          Binigay niya ang number nina Jason at Aldin sa akin para itext na magsimba. Pati si May2 na matutulog pa sana ay tinext ko rin na tuloy ang pagsisimba kasama sila. Mabuti at pumayag sila. Last minute na nga talaga 'yon. Kung kaya't tarantang-taranta ako. Ganyan kasi ang epekto kung hindi napagplanuhan.

        Sa simbahan, tahimik ako 'pagkat iniisip ko na bakit umasa pa ako sa wala. At naniwala sa mga plano nila. Konsensya lang ang tanging kalaban nila (haha).

         Ang inakala kong maliit lang kaming magpo-procession ay dumami rin pala. Mabuti at hindi ako nasayangan sa pagkakataon.

          Two weeks ago, nagplano rin kasi kaming mag-outing sa beach. Hindi biro ang pagdedesisyon at pagpaplano dahil hectic na ang mga sched. 25 kaming magkaklase at 5 ang CAT. Hindi sila pwedeng i-excuse dahil sumasailalim sila sa isang training.

            Plus ayaw din ng ibang sumama. 17 ang expected na sasama. Halos nakabayad na ang lahat. At nang araw na 'yon, excited na nga ang lahat pero meron ding hindi itinuloy ang pag-outing. Nangako silang sasama pero bakit nila binasag 'yon.

          Para sa akin din, ang Palabra de Honor ay konektado rin sa pagiging Filipino Time. Isa sa mga sitwasyon ay 'pag may isang tao ang nagsabi na kung may meeting, etc, dapat dumating sa eksaktong oras, pero itong mismo ang nanguna sa pagsabi hindi naman nakarating sa eksaktong oras o hindi talaga nakarating.

         Ganyan talaga ang mga ugali ng ibang Pinoy. Sana naman, matutunan natin ang halaga nito. At sana kaya nating panindigan ang mga pinagsasabi natin. Hindi yung hanggang salita lang. 

            Isipin din sana na may mga taong apektado sa pinaggagawa natin. Nang dahil sa hindi naitupad na pangako, maaaring mawalan ng tiwala ang mga kaibigan o kung sino pa diyan sa atin. Dahil sapat na ang nangyari sa akin para mawalan ng konting tiwala sa mga taong sangkot. 

        Nawa'y nagsilbing isang leksyon ang blog ko na ito sa inyo.  



-fierce & love,
m a r j o e  

       

   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento