Lunes, Abril 4, 2011

English Ba Kamo?

            Nakakalokah 'yung iba. Ba't daw hindi "English Speaking" ang mga entries, status, etc ko dito at sa FB. Sana, sila na lang ang gumawa, di ba?

            Kung mas maiintindihan nila sa Ingles ang mga sinusulat ko dito eh di sila na lang ang mag-translate, tutal, sila naman ang nakaisip. Hahaha!

            Naiintindihan ko namang suggestion lang nila 'yon. Pero 'yung iba talaga, nanghihimasok na. Nangengeelam na. Gusto na 'kong diktahan kung ano'ng dapat kong i-attitude sa buhay ko.
           
            Gusto kong maramdamang concerned lang sila, pero mas maraming may gusto ng style ko sa lengguwaheng alam ko at kumportable ako kesa sa style na gusto nila eh. Mga Pinoy naman tayo eh.  Feeling ko, mas maraming makaka-relate sa akin, mas maraming makakaintindi sa akin kung magtatagalog ako, pahihirapan ko pa ba ang sarili ko?

          Kasi ang isip ng Pinoy (Hindi Lahat, ha?), kapag nag i-English, matalino na. 'Yun ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Hindi ba mas nakakatawa, kung magpupumilit kang mag ingles, tapos mali naman grammar mo. Daming ganyan.

              Ang dami-dami na nilang nag-i-Ingles, tutulad pa ba 'ko sa kanila? Kanya-kanyang style 'yan para mapansin. Sila ba ang dapat kong i-please o ang sarili ko at ang mga taong "nagtitiyaga" sa akin at nag-e-enjoy sa mga tweets at blog entries ko?

  Kung kumportable sina Michelle Dawn, Cleo Ariane, Jazriel Amuenda sa Tumblr at Facebok, eh siguro nga, du'n sila happy at nakakapag-express ng kanilang sarili sa friends nila

            Siguro nga, igigiit din natin 'yung prinsipyo natin sa buhay na dito ako masaya, dito ko nae-express ang saloobin ko and as long as hindi naman ako madedemanda o makukulong sa ginagawa ko't sinasabi ko, wala akong dapat ipangamba.

            Kung ayaw nila sa opinyon ko, eh me magagawa ba 'ko? Hindi kita ma-please? Edi deadmahin mo ako. Gusto mo ko? Salamat. Ituloy lang natin ang ligaya. Gano'n lang 'yon.

            Ngayon, kung gusto mo pa ring mag-Ingles ako sa status sa FB ko o sa entries ko sa blog, sige na nga, aaminin ko na: mahina ako sa Ingles. 

        Happy ka na?
O, sa presinto na lang ako magpaliwanag?

Nakikibasa lang demanding pa. Naku! Naku! Naku! PEACE! :|

1 komento: