Sa Pilipinas, bihira lang sa ating mga Pinoy ang mga mapuputi. Ang iba ay nasa kanilang kinagisnang lahi. Kung artista ka, kailangan maputi ka para mapansin agad ng mga fans, magkaroon ng mga maraming commercials, atbp. Hindi nga lahat ng artista ay talagang mapuputi. Maaaring sila ay gumagamit ng mga sabon na pwede ka ng maputi sa ilang linggo lamang. Ang iba ay pumupunta pa kay Dra. Vicky Belo nang magawan talaga ng paraan ang kanilang pagpapaputi. Ke choosy ng mga artistang ito. Lahat gagawin talaga. Kung sabagay, may mga pera namang mga 'yan.
Pero hindi lingid sa aking alam na kahit hindi artista, nag-effort silang magpaputi. eRICH gonzalez naman kasi ang pamilya ng mga itey. Kung kaya't maiisip mong alagang-alaga ang kanilang mga mapuputing balat. Sino ba naman ang hindi gustong maging maputi kahit na ang iba ay pinanindigan nga ang kanilang motto na: Black is beautiful.
Palaging nasa plaza ang isa sa Snow White na ito. Naka-shorts ng maikli. Hindi naman siya Charo Santos-Conscious sa kanyang pananamit. Baka gusto niya lang ipakita ang kanyang legs. Kung ang pinuntahan niya ay lungga ng mga lamok, tiyak siya ang pagtitripan ng mga 'to. Mas maloloka kayo kung sasabihin ng isang lamok sa kanyang kumpare na: "Pare! Tingnan mo ang legs niya, nakakasilaw. Dapuan nga natin ng malasap naman ang kaputian ng kanyang legs. Tiyak na sariwa pa ang mga dugo nito!".
Kung kaibigan ko lang din naman ang mga 'to, hindi na ako mag-aatubuling itanong kung ano ang kanilang sabong ginagamit o pinapahid sa katawan. Pero sabi ng source ko, hindi sabon, etc ang ginagamit. Kundi isang glutathione. Hindi ko alam kung ito ba'y isang capsule o ini-inject sa katawan ng mga dalagitang itey.
Kung mag census ka sa kanila o di kaya'y alamin ang family tree ng mga 'to. Mapapansin mong hindi gaanong mapuputi ang mga ito. Sa isang dalagita, siya lang naman ang may taglay na kaputian. Parang tan ang kulay ng kanilang panganay. Ganun din ang pangatlo't pang-apat. Pero itong si dalaga at SuperDuperMega ang pagka-maputi. At baka iisipin mong siya'y inampon ng mga magulang dahil sa kaibahan ng complexion.
Pero sobra pa ang isang Maria Clara na ito. Super tahimik talaga ito kahit saan mo dalhin, hindi gaanong nagsasalita. Malamang nagagalit palagi ang mga laway nito at magpuputak sa kanyang kumare na-- "Mads, ano ba naman 'tong Boss natin, hindi nagsasalita. Inip na inip na ako rito sa loob. Ni malanghap lang man ang sariwang eh ayaw akong pagbigyan. Baka gusto niyang maging mabaho ang hininga." . Pati ang kumare ng laway, agree rin yata sa sinabi ng kanyang mads eh.
Natitiyak kong paborito ito ng mga lamok talaga. Parang pinaliguan naman siya kasi ng gatas. Sus! Ni sino kaiinggitan talaga siya. Mapa-babae man o mapa-bakla. Talo pa niya ang isang dalagita kanina sa pagiging maputi. Hindi pa na kuntento, maglalagay pa ito ng pulbos sa mukha. Na-imagine niyo na ba kung gaano siya ka puti?
Hindi lang naman siguro Glutathione ang dahilan kung bakit siya maputi. Hindi rin naman kasi siya lumalabas-labas ng kanilang bahay. Kung kaya't isa rin ito factor para maging maputi siya. Gayunpaman, hanga ako sa babaeng ito, wala kang maririnig na kahit ano sa kanya.
Pero kung totoo mang gumagamit sila ng glutathione, sana tigilan na ito. Ang bata pa kaya nila parang sumailalim sa ganyang bagay. Maraming side effects 'pag uminom/nagpa-inject ka ng glutathione. Malaki ang chansa ng maaapektuhan talagaang iyong atay dahil sa hindi kaya ang sari-saring mga chemicals na pumapasok sa katawan.
Hindi naman sila artista para gawin ang mga kaartihang 'yan. Mas aprubado pa 'pag sila'y gumamit ng sabon. Hindi naman kasi talaga kailangang gamitin agad 'yan. Baka yan pa ang dahilan kung bakit magagalit ang mga libag sa kanilang katawan-- "Mga kalahi kong libag, ikinakahiya tayo ng mga dalagang ito. Dapat natin silang turuan ng leksyon. Itaas ang bandera nga mga libag!" haha.
Sana nga magawa nilang tanggapin ang ibinigay sa kanila ng Diyos at makuntento na lang kung ano ang meron sila. Hindi ba't mas marami pa ang makaka-appreciate sa tunay mong ganda kung lahat-lahat ay original.
Pero sa kanila na 'yon. Hindi naman natin sila pwedeng pakialaman sa kanilang pinagaggawa.
Bawat indibidwal ay may sari-sariling opinyon.
--inuulit ko palagi, DEMOKRASYA ang pamahalaan natin. May isang part na nagbigay ako ng opinyon ko.
Talasan ang pag-iisip dahil ang isa rito ay parang isang mythological creature. Ang pangalan ng isa ay maaalala mo 'pag napuna ang mga mabibigat na ulap sa kalangitan at ang epekto nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento