Biyernes, Abril 8, 2011

Swing House

          "Last night I dreamt of San Pedro."

      'Yan ang linya ng kanta na narinig ko noon nung ako'y papauwi galing sa simbahan. Magtatakip-silim na at kitang-kita sa langit ang mga mabibigat na ulap. At pwede mo ring mabilang ang mga tao na umiikot sa plaza. Hindi ito bababa sa 20 na katao. Napatanong ako:  Hindi kaya madilim dahil kumakanta itong si Manika diyan sa Swing House

          Kung ikaw mismo ang nakakita sa kanya, iisipin mong may topak ito dahil sa kumakanta ng mag-isa. Pero sa sandaling panahon na iyon ay tumigil itong si Manika sa pagkanta dahil dumating isang lalake. Una hindi ko siya namukhaan dahil nakatalikod. Pero sa 'di kalaunan, namukhaan ko na talaga siya at ako napa- " :() ". Paano ba naman kasi, classmate ko 'yan nung elementary.

          Gusto ko sanang mag-approach sa kanya kaso nahihiya naman ako dahil diyan ang babae. Wala rin sa isip ko kasi na may relasyon sila. Pero napa- " :() " na naman ako nang nilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ni Manika.

          Inindiya ko ang mga pangyayaring 'yon. At baka makita pa ako ng ex-classmate ko na nakatitig sa kanila. Kaya tuluyan ko ng nilisan ang lugar na 'yon.

          Sa mga oras na 'yon ginutom ako. Kung kaya't nagpasama ako sa school girl namin na bumili ng makakain sa Balabaw.

---lumabas na sa Balabaw habang kumakain---

           Para akong nabilaukan nang ma-spot ko 'tong sina Manika at ex-classmate ko. Juice ko! Hindi pa umuuwi ang dalawa. At parang ayaw ibaba ni ex-classmate ko ang kanyang kamay sa balikat ni Manika.

          Tila gusto rin naman ni Manika ang ginagawa sa kanya. #chos!

          Ito kasing si Manika ay minsan ding nakita na nakatambay sa plaza ng takip-silim.
          Na-link din ito noon sa isang lalaking 1st year college. At ang pangalan nito ay inuulit-ulit lamang.

CLUE para kay babae, kapangalan ng isang singer na lalaki ang 1st syllable at dagdagan mo lang ito ng "ka". As in--- SINGER NA LALAKI + KA.

'Yun na! 
          
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento