Sabado, Abril 16, 2011

Ang Ikalawang Boyfriend ni Babae, Type si Karibal na Lalake.

            Minsan kong nasaksihan ang panliligaw ng isang 14 y/o na lalake(?) sa isang ka batch niya rin at dating kaklase noong elementary. Sa panliligaw ng lalake(?) masyado siyang naglaan ng oras para kay babae upang mapansin at determinado siya sa panliligaw. Halos araw-araw daw nililigawan ni lalaki si babae sa text.

            Hindi natin maikaila na kung ang text lamang ang pagbabasehan sa panliligaw, hindi masigurado na siya ba'y pursigido at seryoso. Pero ang stratehiya ni lalake kay babae ay ang pagpupuri at pangako 'pag siya'y sinagot. At hindi tumitigil sa panliligaw.

           Dumating na ang araw ni Lalake(?). Sinagot na nga talaga siya ni babae. Ayon nga sa una kong source, sweet talaga ang dalawang ito. Pero nangyayari lamang talaga 'pag sa text lang, Sinabi niya rin na hindi raw sila gaanong nakikitang magkasama. Dagdag pa nga ng source ko, takot daw silang ilantad ang kanilang relasyon sa publiko. Kung kaya't palaging busy lang daw sila sa pagte-text.

            Wala silang masyadong inilalaang oras kung kaya't hindi naiwasang maging komplikado ang kanilang relasyon. Puro pambabatikos pa raw ang kanilang inabot sa ibang tao. Dahil sa takot ni Babaeng ma isyuhan o ma-chismisan, parang sumuko na raw ito kay Lalake(?) niyang BF.

            Nagtext si babae sa kanya na kung pwede, itigil na raw nila ang relasyon para wala ng isyu ang lalong lumaki. Pero sobrang mahal naman ito ni babae ang kanyang BF. Baka ang kanyang tanging point ay ma-proteksyunan ang kanilang mga sarili.

            Ayon sa source ko, nagulat si Lalake(?) habang binabasa ang text ng kanyang GF. Hindi raw niya alam kung ano ba ang gagawin. Nang makapag-isip na itong si lalake, biglaan niyang itinext ang kanyang GF.

            Nagmamakaawa ito na kung pwede talaga, huwag na lang silang maghihiwalay. Kahit maging sila lang sa text at hindi gaanong lumabas. Dahil nga sa mahal naman niya talaga itong kanyang GF. Nangako rin siyang  magpapakatatag sila kahit ano mang isyu ang pumatong sa kanila.

            Patawang ikinwento ng source ko na itong si lalake(?) ay umiiyak daw habang itinitext ang kanyang GF. Text pa nga niya ay-- "Please lang. Hindi lang makipag-break knakon kay palangga ko gid ikaw. Hindi ko kamaan ka himuon ko kung waay ka na. Ano na lang ja ako kung hindi ko ikaw ma-imaw pirmi."

            Naawa talaga ang kanyang GF. Pero may desisyon din siyang kailangang sundin. At ito'y panindigan  ang pakikipaghiwalay kay Lalake(?).

            Halos ilang buwan silang walang komunikasyon at nagkakalabuan. Naging malungkot sila sa kanilang paghihiwalay. Hanggang sa may nanligaw na namang Lalake(?) ulit kay Babae.

            Sa pagkakataong ito, hindi na nag-atubili si Lalake #2 sa panliligaw niya kay Babae. Hindi siya nahihiyang isa-publiko ang kanyang panliligaw. Wala siyang pakialam kung ano ang sabihin ng iba sa kanila. Ang importante magawa niyang ligawan at mapasagot si babae.

           Sinagot ni Babae si Lalake #2 ng bonggang-bongga. Tila bang gusto talaga ni babae ang isang "silahis". Kung kaya't napaniwala ni Lalake #2 si babae sa kanyang tunay na pagmamahal.

            Last time, nakasabay ko silang kumain sa isang eatery. Sweet na sweet ang dalawang ito ng ako'y papasok. At tila bang walang mga problemang dinadala. Dahil nga siguro sa komportable sila kahit nasa public.       

            Pero ang mas nakakaloka pa rito ay ang pagte-text ni Lalake #2 sa kanyang dating karibal.

            Halos araw-araw ang pagte-text ng dalawang ito. --ayon sa source ko.
       
            Minsan sa kanilang kalagitnaan ng text, pinuri ni Lalake #2 si Lalake #1 (ex ni babae). Namamangha itong si Lalake #2 sa bibig/lips ni Lalake #1.

            At hanggang sa makarating ang usapan sa gustong halikan ni Lalake #2 ang bibig ni Lalake #1. (Imagine,  ang current BF, may gusto pala sa Ex ni Babae).

            Ayon na nga sa reliable source ko, na-confirm niya talaga na totoo ang pagpupumilit ni Lalake #2 kay Lalake #1.

          "Uyy! Lalake #1 nami bala ang lips mo. daw gusto ko ikaw i-kiss.". -dagdag pa ng source ko.

            Hindi alam ni lalake #1 kung ano ang i-reply sa text nito.  At baka na-trauma sa mga pinagte-text ni lalake #2.

            Hanggang sa ngayon siguro, hindi pa alam ni Girlfriend ang mga pinagaggawa ng kanyang BF.

            Pero napapabalita namang magka-date palagi ang dalawang ito.
            At masayang-masaya naman sa kanilang mahaba-habang relasyon. Dahil nga sa walang takot si Lalake sa magiging batikos sa kanila.

            Pahabol pa ng source ko, naiinggit itong si Lalake #1 kay Lalake #2 dahil sa natamong tagumpay ng relasyon.

          At sa tuwing napapa-topic itong si Babae, tila umiiwas talaga itong kanyang ex.

--->  Kung ikaw ang tatanungin at kunan ng opinyon, Sa palagay mo ba, isa lamang 'yong joke ni lalake #2  kay lalake #1?  Samantalang alam niyang si Lalake #1 ay Ex pala ni kanyang current BF. 
--Ano ang rating niyo sa kanya.



 C L U E :
--mahuhulaan mo na ang babaeng minsan nang naipit sa dalawang lalake(?) 'pag ika'y nakanood ng Alice in Wonderland at kilala mo ang reynang pula.

--ang nickname ni Lalake #1 ay tunog sa pangalan ng isang showbiz writer and commentator sa ABS-CBN.

--ang pangalan naman ng current BF/Lalake #2 ay magkapareho sa isang Politician dito sa Iloilo at isang Representative ng isang district.


'Yun na! 

             

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento