'Pag sinabing simbahan malamang doon ka pumupunta para magdasal. Alangan namang ika'y magpapacheck-up doon. Gabi na raw nang mangyari ito. Papauwi na kasi ang aking source (hindi reliable source) galing sa simbahan dahil nag-attend ng isang meeting.
Nang lumabas na siya sa gate kasama ang mga barkada, nakita niya itong si Madam Dancer kasama ang kanyang rumored boyfriend. Sa pagkakaalala ko, umuwi ang source ko sa oras na 8:00PM at eksaktong pumasok kaagad itong si Madam Dancer.
Nagtaka itong source ko, bakit sa ganoong oras, pumasok pa sila sa simbahan? Ano 'yon mangungumpisal sa pari? Curious talaga itong si source ko kaya sinundan nila ng kasama nito kung saan ba talaga pumunta ang dalawang ito.
Walang kaalam-alam ang dalawa na sinundan talaga sila. Kitang-kita ng source ko na sila'y umakyat sa Social Hall ng simbahan. (Ngayon ko lang alam na ang pwedeng makapag-kumpisal sa Social Hall). Sa pagkakaalam ko, sobrang madilim ang lugar na ito at maliit lamang ang ilaw.
Tahimik daw ang buong paligid. Silang dalawa lang sa Social Hall samantala, itong source ko at barkada ay nagtatago. Umupo na ang dalawa. Mahaba-haba ang kanilang kwentuhan hanggang sa dumating ang kanilang hinhintay na kasama ng BF ni Madam Dancer.
Inip na inip na itong si source ko, gusto na sanang umuwi dahil sa nonsense naman daw ang usapan ng dalawa. Pero naghintay pa sila ng ilang minuto. Hanggang sa narinig nila na kinukulit talaga ni BF si Madam Dancer. At nagulat talaga sila nang marinig ang sabi ni BF kay Madam Dancer.
OBAMA! ... OBAMA! ... OBAMA!
Nagpupumilit itong si BF. Pero si Madam Dancer ay napaka-choosy. Dalagang Pilipina(?) siya kung kaya't ayaw gawin ang sinasabi ng kanyang syota. "Baka STRICT PARENTS niya" (haha!)
Pinipigilan ng source ko't mga barkada na tumawa baka marinig sila ng dalawa.
Bumigay din itong si Madam Dancer sa hinihingi ng kanyang BF. (kayo na ang bahalang mag-isip kung ano ang nangyari). Samantala ang kaibigan ng kanyang BF ay tumitingin lang daw sa nagaganap.
Hindi pinatapos ng source ko ang mga nangyari. Basta ang kalaswaang 'yon ay isa sa kanyang hindi makakalimutang pangyayari.
---Nakakahiya! Sa simbahan niyo pa ginawa.
Pero hindi lang daw ito ang unang beses na naintriga itong si Madam Dancer. Napabalita na matapos sila maghiwalay ng kanyang BF, ay may bago na naman ito.
Palaging nakikita ang dalawang ito na tumatambay sa Plaza. Pero ito pa ang ikinagulat ng maraming kaibigan niya. At pumupunta talaga itong si Madam Dancer sa bahay ng kanyang boyfriend. Halos araw-araw din siyang pumupunta doon. Maraming beses na nagtaka ang kanyang pamilya na ginagabi siya sa pag-uwi.
11:00PM na at hindi pa ito umuuwi si Madam Dancer kung kaya't nag-alala ang kanyang pamilya. Muntik na itong ipa-blotter.
Anong Rating niyo kay Madam Dancer?
--siya ba ay "Lakwatsera" ? :D
Clue:
--Kapag nakahawak ka ng isang pera, maaalala mo talaga itong si Madam Dancer.
--Ang kanyang ex-Bf naman, malayo pa lang, alam mo na siya talaga dahil sa Style niyang lumakad
'Yun Na!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento