"Past is past." ika nga sabi ng iba. Pero nang makita ko kanina sa simbahan ang babaeng ito, naalala ko ang mga kagimbal-gimbal na pangyayari noong siya'y nasa elementary pa.
Itago nalang natin siya sa pangalang "Shell". Tandang-tanda ko pa kasi noon na itong si Shell ay lumalarga sa Plaza kasama ang mga kaibigan na masasabi mong "Bad Influence" sa kanya. Malakas ang tawanan nila dahil nga sa may pinag-uusapan silang lalaki. Hindi ko na matandaan ang pangalan ng lalaki pero 'pag ito'y aking nakita, nasisiguro kong kilala ko ito sa pagmumukha.
Doon na tayo sa tawanan, pinagtripan lang naman nila ang lalaking ito. Pinapunta sa upuan at kinausap-usap. Narinig namin ng kaibigan ko ang pag-uusap na iyon at iba ay may halong kabastusan. Pero dinedma lang namin iyon. 6:30PM na at walang humpay pa rin ang kwentuhan't tawanan ng mga babaeng ito.
Gusto na sana ni Shell na umuwi dahil daw baka pagalitan siya ng mother dear niya. Pero pinigilan ito ng mga kaibigan at pinipilit na mag-extend ng oras. Pero ilang minuto ang nakalipas, gulat na gulat itong si Mother nang nakita niya ang kanyang unica hija na tumatawa sa harap ng isang lalaki.
Biglang sinugod ito ng kanyang madir, tinatalakan ng kung anong masasamang salita laban sa anak. Kinabahan naman ang lalaki kaya tumakbo siya pa layo.
Maraming tao ang nakatingin sa kanila. Animo'y mga usisero't usisera.
Hindi lang iyon ang inabot ng anak sa ina dahil siya daw ay lakwatsera at biglang sinabunutan ang sariling anak. Humahagulgol sa kakaiyak ang bata. Maraming naaawa sa kanya pero ayaw tigilan ng ina nito sa kaka-mura.
Sa tingin niyo ba, tama ang ginawa ng ina niya sa harap ng maraming tao?
Clue:
--ang apelyido ni Shell ay maririnig mo palagi 'pag ang isang sasakyan ay umandar na. At may Kuya na makikita mo ang mukha sa gilid ng isang sasakyan
'Yun na! :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento