Sabado, Marso 26, 2011

Grocery

"oh friend, wala pa si Maam, labas muna tayo at bumili ng snacks. Recess time naman eh. Basta bilisan lang natin ang pamimili."
Araw-araw 'yun na lang ang linya ng lalaking(?) ito. At itatago natin siya sa pangalang Suki (dahil nga sa suki siya  sa YECS, COOP, Feeding Center at Canteen). First impression ko sa kanya ay parang normal lang kung kumilos at dahil nga sa chubby siya, hindi ko naman talaga inisip na hindi siya "Rated PG".  Pero lahat ng iyon ay napalitan ng isang "gulat" nang ikuwento sa akin ng friend niya na friend ko (nahilo?) ang araw-araw niyang pango-grocery.


Minsan, itong friend ng friend ko ay isinama ni Suki na mag-recess. Nagtaka naman ang friend ng friend ko kung bakit sa pagkarami-rami nilang magkaklase eh siya lang ang isinamang mag-recess. Inakala niyang ilibre siya ni Suki kaya mabilist itong tumayo sa kanyang inuupuan. Syempre, naglakad-lakad sila at humanap ng grocery store sa campus. Huminto sila sa tinatawag na "crossroads" dahil hindi alam ni Suki kung saan ba talaga ang magandang pamilihan ng pagkain. halos ilang minuto naman itong si Suki mag-isip kung saan ba talaga bibili. Matapos ang pag-iisip, sa YECS lang din naman pala siya bibili.
 "Manang, bakal ko gani." --sabi ni Suki.
"Ano baklon mo?" --patanong naman ng tindera.
"Apat gani ka Rebisco Buddy Crackers tapos isa ka Coke."


Namangha naman ang friend ng friend ko dahil nga sa mga pinamili niya. Pinuri niya si Suki habang naglalakad pabalik sa kanilang classroom.


Binuksan na ni  Suki ang pang-apat na Buddy Crackers at muling nagtaka ang friend ng friend ko na bakit hindi siya binigyan ng Biscuit. Sinamahan naman daw niya ito. Pero kung sakaling hindi siya bibigyan okey lang daw pero apat (4) naman ang binili niya eh. Ba't di siya binigyan?


Naubos nga ni Suki ang mga kinain na hindi binigyan ang friend ng friend ko. At parang nakulangan pa daw ito kaya sa next period ng klase nag grocery naman daw ito sa Canteen at ang binili naman ay ang sari-saring kendi sabay dagdag ng isa pang Coke.


Nagtago pa daw ito sa mga kaklase habang kumakain. Inakala niyang hingian siya ng mga kaklase pero hindi. Siguro, abot-langit ang ngiti ni Suki habang kinakain ang mga matatamis na kendi (maliban nalang kung Maxx ang Binili. Haha.)


Natapos na niyang kainin ang lahat. Kaya kunuha na niya ang bag at pumasok na sa next period ika nga. Infairness, hindi siya nagsasalita habang umuupo. Samantala ang kanyang mga kaklase ay putak ng putak. "Baka" busog na sa mga kinain.


     Likas na daw sa kanya ang pagiging Suki sa YECS, Canteen, Etc.
Hindi ko na siguro idi-detalye ang lahat-lahat baka kayo'y maloka pa. Basta araw-araw na talaga ang gawaing ito.


 Kailangan pa ba ng Clue? Parang gets niyo na siya. Makikita mo siyang aakyat ng stage sa Moving-up Ceremony. At ang first name nito ay magkatulad sa pangalan ng isang Hospital sa Iloilo. 'Yun na!


--Pero sa ganyang bagay, hinay-hinay lang sa pamimili at pag waldas ng pera. Hindi naman siguro masama kung ika'y kumain. 'Wag naman 'yung sobra-sobra at baka 'yun pa ang dahilan na ika'y bansagang "RATED PG"








Comment naman diyan.
Sige ka, hindi kita bibilhan ng apat (4) na Rebisco Buddy Crackers :P

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento