Linggo, Marso 27, 2011

Sigarilyo

          This school year ko lang nakilala itong lalaki na itatago na naman natin sa pangalang "Narsing", nung una ko siyang nakita napa wow! at na starstruck ako sa kanya. Hindi siya gwapo pero kung ito'y iyong nakita sa malayo, alam mo na kaagad ang kanyang asset. Kung kaya't napamangha ako sa kanya ng bonggang-bongga.

          Sa katunayan naka-text ko pa siya. Mabait siya sa text at marunong sumakay sa mga pang-ookray ko. Ako kasi ang tipo ng tao na kung may maka-text, pinaprangka ko kaagad. Hindi ko siya pinagdudahan dahil mukha siyang mabait at walang bisyo.

      Dumating ang panahon na hindi ko na siya feel ka-text (choosy ako. haha.) Kaya sa bawat group message niya, hindi na ako nagre-reply. Noong December (vacation), palagi kong nakikita ang anino niya kasa-kasama ang mga barkada nitong mukhang addict. Napatanong ako sa sarili ko-- "Ba't ganito ang kanyang mga barkada, parang nakakatakot." Pero syempre parang aso na nakabuntot itong si Narsing kung sumama sa mga dabarkadz.

            Minsan rin namin siyang nakasama sa isang pag-eensayo last month. Ugali ko rin kasi na titigan ang mukha ng bawat taong nakakasalamuha ko araw-araw.

         Napansin ko na ang kanyang bibig ay parang dark violet. (malay nating baka nag-lipstick siya ng gano'ng kulay.hahaha). Binale wala ko lang iyon.

      Ilang araw din kaming nag-ensayo. Marami kami pero ako lang yata siguro ang nakapansin sa kanyang bibig. Hindi lang 'yon, nagtataka rin ako kasi itong si Narsing ay palaging nag-aabsent sa mga practice. Kaya palaging nag-aalburuto ang kanyang partner.

      Speaking of kanyang partner, naibanggit niya sa amin na parang may something na Smellanie Marquez ang kanyang hininga. Amoy-sigarilyo raw ito. Sa bawat araw na kami ay nag-eensayo, na Smellanie Marquez talaga ng kanyang partner at hindi kinakaya.

          Minsan rin siyang nahuli na naninigarilyo. Sayang! hindi ko nakita. Kaya hindi ako agad naniwala. Pero kahapon lamang, nang ako'y pauwi na spot ko itong si Narsing na hawak-hawak ang isang stick ng sigarilyo at biglang nagpabuga ng usok.

          TAMA pala ang usap-usapan na siya ay naninigarilyo. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata.


Anong Rating niyo sa kanya?  

Kaya ito na ang clue na dapat niyo nang tantyahin.

--Kaya ako napapa-starstuck sa kay Narsing dahil ang mga damit nito lalo na ang sapatos ay violet.

'Yun na! 
       

       

     

2 komento: