Bihira lang kayong makakarinig ng kwento ng isang batang tuso at makulit.Nung bata kasi ako, marami na ang nagtatrabaho rito sa bahay namin bilang Maid/Yaya. Isa na roon si Manang Indang. Siya talaga ang nagpalaki't nag-alaga sa akin. Kapag kumakain ako, sinusubuan niya ako tuwing kumakain, mapa-breakfast, lunch at kahit sa dinner. Hanga ako sa paraan ng pagpapalaki niya sa akin. Ni isang reklamo wala akong narinig sa kanyang reklamo mula sa akin.
Minsan, nainis ako sa kanya. Ayaw niya kasi akong bilhan ng kendi sa tindahan. Dahil naglalaba pa siya. Hindi ako makapaghintay. Umiyak na ako sa inis. Hindi ko na alam ang mga ginagawa ko nang oras na yun. Dagli kong kinuha ang Zonrox at binuhos ko sa ulo niya. Gusto niya akong pagalitan kaso alam niyang tuso ako dahil isusumbong ko lang siya kay Mudra.
Pero hindi lang talaga Zonrox ang binuhos ko sa kanya. Noon nga, sa sobrang galit tumakbo ako palabas ng bahay at kumuha ng buhangin para itapon sa kanya. Naku! Kung nagsasalita lang ang buhangin at Zonroxm tiyak papagalitan ako dahil sinayang ko lang ang gamit nila.
Magsasalita lang si Zonrox na-- "Naku! Ikaw talagang bata kam panglaba ang gamit ko, bakit mo ako ginawang pang rebond sa buhok ni Manang Indang?"
Kaloka naman yang si Manang Indang kasi ayaw niya akong isumbong dahil alam niyang mapapagalitan ako. Pero kumalat dito sa amin na ganyan ako ka sama. Tinawag pa nila akong Sadista. Pero kung inakala niyong tumigil na, hindi pa kaya.
Bago umalis dito sa bahay si Manang Indang upang magtrabaho sa Manila. May pumalit na sa kanya na isa pa. Si Manang Johna, sa una magkasundo kami niyan eh. Pero habang tumatagal, hindi ko na siya gaanong na-feel. Nagkalat ako sa bahay. Aba! Nagalit ang babaeng 'to. Ako pa ang pinagalitan ng malakas.
Tumahimik lang ako. Sa isipan ko: "May araw ka rin sa akin.". Naghintay lang ako ng pagkakataon, tamang-tama kasi mahaba ang buhok niya (sa itaas syempre). Kaya nagkalat ako ulit. Expect ko sa mga oras na 'yun na magagalit talaga siya. Kaya sinigawan ko siya. "Sino ang bata ka boss mo ja haw?". Tinapik niya ang kanyang kamay sa braso ko sabay talikod sa akin.
Para akong si Lastikman dahil naabot ng kamay ko ang buhok niya. buong pwersa kong hinatak ito. At laking-gulay ko lang nang naglagas ang mga buhok niya't nakita ko na buhol-buhol na ito sa mga kamay ko.
Umakyat siya sa kanyang kwarto at umiiyak. Nang gabing dumating si Mudra, sinumbong niya ako. Todo-akting naman ako sa harapan ni Nanay. "Tana man nanguna, Nay. Man-an mo nga nagahampang ako ja, karaan na gid ako kay garapta lang kuno. Tapos gin hampak na pa ako." (Dumaloy ang uhog aat luha sa aking leeg. #chos!). Kinaumagahan, doon na nagpaalam si Manang Johna sa amin. Dahil hindi na niya raw kaya ang mga pinaggagawa ko.
Pumalit na naman ang kanyang kapatid na si Juvy. First impression ko sa kanya ay maldita na. Kaya alam ko na agad na hinding-hindi kami magkakasundo. Kento kasi ni Joha na mag-ingat daw siya sa akin. Pilit niya (Juvy) akong pinapasindak pero ayaw tumalab sa akin yan.
Inakala niyang matatakot ako sa kanyang mahahabang kuko. Sa tuwing magagalit siya sa akin, kinukurot niya ako sa hita. Sumbong na naman ako sa Baranggay Hall. Ipinapakita ko ang ebidensya na kung saan nagmula ang mga sugat na gawa ng babaeng 'yun. "Bata tana ja muh. Kung mapasaway tana, asensyahi lang. Waay pa ra kamaan ka gna himu na." Iyan ang sabi ni Mudra sa kanya. Sa aming dalawa, siya pala ang nasindak at hindi nga ako. Kaya nag voluntary exit na ang lola niyo sa PBB House.
Napaisip si Nanay, kasi parang wala nang makakatiis pa sa ugali ko. Kumuha siya ng magbabantay sa akin na nanggaling sa malayong lugar. Si Manang Gemma ay taga-Bagsakan. Pitong taong gulang ako nung pumasok siya rito sa pamamahay naman. Aba! Nakipag-boyfriend pa ito habang nagtatrabaho. Naalala ko pa ito noon na nag-away sila ng kanyang BF sa loob ng bahay. Natutulog ako non nang buong lakas niyang itinulak ang pinto ng kanyang kwarti, Umiiyak pa siya. Kaya nung gabing iyon, sinumbong ko siya kay Mudra. At pinagsabihan naman siya.
Aminado ako na sa lahat ng mga pumasok sa kasambahay dito, sa kanya lang ako nahirapan. Kahit anong gawa ko ng paraan, ayaw talaga. Kung hindi niyo pa po alam, noong bata ako mahilig ako maglaro-laro ng mga baril-barilan dahi napapanood ko ang mga babaeng kontrabia noon na may mga hawak ng baril. At espada-espada na gawa sa kawayan.
Nainis ako sa kanya. Kaya binaril ko lang naman siya sa paa. Oo! Naramdaman niya ang hapdi sa paa. hinabol niya ako dahil gusto niyang makaganti. Naloka ako. Hanggang sa plaza an takbuhan namin. Ang pawis sa katawan ko ay napakarami na.
Hindi niya namalayang nakauwi na ako dahil dumaan pa sa isang gate ng bahay. Pumasok ako sa kwarto at nagtago. Matapos ang ilang minutong pagtatago at nagbabalak nang lumabas, nagtaka ako nakit ayaw bumukas. Tinali niya pala pintuan nang hindi ako makalabas. Ako ngayon 'tong nakulong. Anak ng Butete naman. Dahil sa tuso ako, sumigaw ako sa labas. "Buligi niyo ako. Gina kulong ako ni Gemma!"
Maay maliit na butas sa gilid ng pintua. Diya siya nakabantay. Binantaan ko siya. "Umandam ka lang kung makaabot si Nanay. Isugid ko gid ikaw.". Ako pa rin ang may huling halakhak. At Oo, sinumbong ko nga siya. Habang pinagsasabihan siya. Doon lang ako sa likod tumatawa sa kanya.
Nagdesisyon siyang umali hindi dahil sa akin, kundi nabuntis lang siya ng kanyang asawa. Kaya ipinadala niya ang kakilala niyang taga Buga, Leom. Si Manang Chona, Ano pa ba ang mangyayari. Edi maiinis na naman ako sa kanya dahil na naman sa smellanie Marquez niyang kili-kili. Eh kung tikman mo yun, malalasap mo na talaga ang tunay na asim ng isang sinigang. Medyo nagtagal siya sa amin. Pero pinatigil lang sa pagtatrabaho dahil may sakit sa puso.
Nandiyan din si Manang Erlyn. Hindi siya stay-in dito sa bahay noon. Siya ang naghahatid sa akin noon nang ako'y sa CSJ pa nag-aaral. 12 Noon natatapos ang klase ko. Kaya humahabol pa kami para sumakay sa van at nang maka-lunch na sa bahay. Habang nakasakay kami, siya na ang pinagtripan ko.
Tinakpan ko ng panyo ang buong mukha niya't nilagyan ng perfume. Mahimbing siya sa pagtulog tila bang Sleeping Beauty lang ang peg niya. Aktingan lang naman ang ginawa ko. Kunwari natutulog ako. Nang siya'y magising, nagtaka lang siya bigla bakit nasa Alibango na kami bumaba. Eh sa Nichol naman talaga ang bahay namin. Hindi lang siya nakagising nang malapit na sa dapat naming bababaan.
Ang pinakamalayong kasambahay na si Cherry ay nanggaling sa Capiz. Bowman's Capsule ang tawag ko sa kanya. Talo pa kasi ang nunal ni Nora Aunor. Sino ba naman ang hindi mandidiri 'pag nakita mo ito palagi sa mukha niya. Kung nabubuhay lang siguro ang nuna niya:
"Hoy! Marjoe, 'wag mo akong mainsulto. Hindi mo ba alam na ito (nunal) ang asset ni Cherry?"
Naku po! Na imagine niyo na kung ano ang mukha? Pero sa akin, hindi ko lang na-imagine. Nakita ko pa noong pina-opera namin ito. Two inches lang naman ang lalim niya matapos makuha . Siguro sasabihin pa ng minamahal niyang nunal na--
"Paalam na sa'yo amo ko. Halos ilang taon akong dikit ng dikit sa'yo, pero ngayon makakalaya na ako. Salamat Kapatid."
Meron din kaming school girl. Aba! Close kami. Kasi naman ka batch ko lang siya. Pero kung minsan naman ay ayoko rin sa kanya. Nagkukunwari ba naman bingi pagdating sa utusan.
Naka-off na noon ang mga ilaw sa loob ng bahay namin. Tulog na ang lahat. Ako na lang ang hindi pa dinadalaw na antok. Naisipan kung pumunta sa kusina't kunin ang kutsilyo. Nagbihis ako ng damit at kulay puti pa ito. Dala-dala ko na nga ang kutsilyo. Nilagyan ng electric fan ang labas ng kwarto para magka-effect na horror.. Pinasok ko ang kwarto niya't tinakot. Wala siyang kaalam-alam na ako lang naman yun.
Kinaumagahan, habang ikinukuwento sa kasamahang kasambahay, natatakot ito dahil ayaw pa rin makalimutan ang nanggyari daw ng gabing iyon.
Pero hindi niyo ba alam na kahit nasa 10 years old na ako ay dala-dala ko pa rin pagiging tuso ko. Ngayon, hindi na 'to sa mga kasambahay. Grade four (4) ako noon, maraming lalake na kaklase ko. Mahilig akong mang-okray. Nung mga oras na yun habang wala pa ang titser namin, tinukso ko sila. Aba! Pinagtulungan ba naman ako. Kaya na-develop lang naman ang acting skills ko. Lumabas ako at pinilit umiyak sabay pa-ubo na dahil nga raw sa pagtapik ng likod ko.
Naniwala ang mga kaklase ko kung kaya't sinabihan nila ang English teacher namin na umiiyak ako.
Pinatawag sila sa Principal's Office at doon sinumbong ko sila. Bakas sa mga pagmumukha nila na natatatakot . Kaya humingi na lang sila sa akin ng Sorry. At simula nun, hindi na nila ako inapi.
ganyan ako ka tuso noon.
Kung mahirap paniwalaan, magtanong-tanong kayo sa mga nakakilala sa akin (: Salamat
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento