Hindi na bago sa atin ang salitang Espanyol na Palabra de Honor o Word of Honor ika nga sa Ingles. Pero ano nga ba ang taglay nitong kahulugan para sa isang indibidwal at sa nasasakupang grupo, etc? Gaano rin ba ka importante ito? Mga matatanda lang ba noon ang nagpasimula nito at ginamit? Pero ang malaking katanungan ay meron pa ba tayo niyan?
Minsan, nakabangga ko/namin ang salitang ito sa isang subject. Nakalimutan ko kung ano ang dahilan kung bakit nagalit ang teacher namin. Ang tanging natandaan ko lang ay parang may sinabi kaming gagawin sa kanyang subject pero hindi namin ito nagawa. At doon niya sinabi ang linyang-- "Waay gid kamo ti Palabra de Honor."
Tumahimik nga ang lahat. Pero hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila. Wala naman akong kakayahan upang mabasa kung ano ang laman nito. Nasisigurado ko na ang karamihan, nag-iisip kung ano nga ba ang salitang 'yon.
'Pag sinabing Palabra de Honor tumutukoy ito sa isang pangako o may isang salita. Pero may mga tao talagang kahit matagal na kayong magkakilala at magkakaibigan, wala pa ring salita at paninindigan.
Meron din akong experience niyan. Kung ito'y bibilangin, sobrang marami na. Dapat ding palampasin 'yon. Pero may isang pangyayari rin na nawala sa alaala nila ang salitang ito.
Kapag Semana Santa, panahon para magnilay-nilay. Dito sa Alimodian 'pag sinabing Semana Santa hindi maikaila na ang unang pumapasok sa ating isipan ay ang pag-akyat sa Agony Hill. Nilalakad ang 1st Station hanggang sa last station.
Ito rin ay isang penitensya upang mabayaran ang ating mga kasalanan. Ang iba, pumupunta lang sila doon para makapag-usap-usap. Ano pa ba ang sinabi nilang panata kung ang pag-akyat nila dun ay hindi rin sila nagdasal? Kalurky 'yong mga ganyang tao. Ang iba naman, ginawang family reunion ang pag-akyat. Sayang lang ang pagod at hindi ginamit sa tamang paraan.
Pagpatak ng Alas-tres sa hapon, may misa para sa lahat at isang procession. Nakasanayan na 'yon ng mga Alimodiananon na gawin bawat taon.
1:00PM pa lang, nagtext na ako sa mga ka kilala ko. Dahil merong nagsipangako na magpo-procession kaming grupo. Halos ilang beses pinagplanuhan 'yon. Kaya ako na mismo ang nagsipagtanong kung tuloy ba talaga.
Pero sa kasamaang-palad, walang may nagreply sa text ko. Ni SmartAlert ay wala akong natanggap. Nakatulog ako ng mahimbing at tumagal ng isang oras at kalahati. Pagka gising ko, umaasa ako na 'pag na-open ko na ang phone ko, may text akong mare-receive. Pero sa kasamaang-palad ulit ay wala.
Kaya ang tanging alam ko lang na gawin nung oras na 'yon ay ang mag- Group Message (GM) sa mga kakilala ko. 2:30 na 'yon at wala pa ring may nag-text. Ang sabi ko sa sarili ko, 'pag walang may nagtext, hindi na ako magsisimba at magpo-procession. Dahil nga sa wala naman akong kasa-kasama. Para lang akong tanga 'pag ako'y nagprocession. Quarter to 3 na at wala pa rin talaga ang may nagreply.
Kung kaya't iyon ang dahilan bakit napikon na ako sa kakahintay. Nag-GM ako ng galit na galit.
May isang malaking katanungan talaga ako nun-- Kung saka-sakaling wala silang load, pwede rin naman silang humiram ng cellphone sa kakilala nila at gamitin pangreply. Para alam ko kung sino ang sasama at hindi. Wala rin ba silang sentido kumon nung mga oras na 'yon? Mahirap bang i-text ang salitang HINDI kung ayaw mo namang sumama? Ano pa ang silbi ng cellphone mo kung hindi mo rin lang naman gagamitin pag kinakailangan na? Ngunit Subalit Datapwat, ginagamit lang nila ito sa mga witi-witing bagay.
Eksaktong 3PM na at nagtext si Shanen sa akin na kung magsisimba ba ako. Oo! ang reply ko. Nawala na sa isip ko kung sino man ang kasa-kasama ko. Basta makapagsimba lang ako. Nakabihis na ako at hinhintay ko lang ang mga nagsabi noon na mag procession pero wala naman.
Binigay niya ang number nina Jason at Aldin sa akin para itext na magsimba. Pati si May2 na matutulog pa sana ay tinext ko rin na tuloy ang pagsisimba kasama sila. Mabuti at pumayag sila. Last minute na nga talaga 'yon. Kung kaya't tarantang-taranta ako. Ganyan kasi ang epekto kung hindi napagplanuhan.
Sa simbahan, tahimik ako 'pagkat iniisip ko na bakit umasa pa ako sa wala. At naniwala sa mga plano nila. Konsensya lang ang tanging kalaban nila (haha).
Ang inakala kong maliit lang kaming magpo-procession ay dumami rin pala. Mabuti at hindi ako nasayangan sa pagkakataon.
Two weeks ago, nagplano rin kasi kaming mag-outing sa beach. Hindi biro ang pagdedesisyon at pagpaplano dahil hectic na ang mga sched. 25 kaming magkaklase at 5 ang CAT. Hindi sila pwedeng i-excuse dahil sumasailalim sila sa isang training.
Plus ayaw din ng ibang sumama. 17 ang expected na sasama. Halos nakabayad na ang lahat. At nang araw na 'yon, excited na nga ang lahat pero meron ding hindi itinuloy ang pag-outing. Nangako silang sasama pero bakit nila binasag 'yon.
Para sa akin din, ang Palabra de Honor ay konektado rin sa pagiging Filipino Time. Isa sa mga sitwasyon ay 'pag may isang tao ang nagsabi na kung may meeting, etc, dapat dumating sa eksaktong oras, pero itong mismo ang nanguna sa pagsabi hindi naman nakarating sa eksaktong oras o hindi talaga nakarating.
Ganyan talaga ang mga ugali ng ibang Pinoy. Sana naman, matutunan natin ang halaga nito. At sana kaya nating panindigan ang mga pinagsasabi natin. Hindi yung hanggang salita lang.
Isipin din sana na may mga taong apektado sa pinaggagawa natin. Nang dahil sa hindi naitupad na pangako, maaaring mawalan ng tiwala ang mga kaibigan o kung sino pa diyan sa atin. Dahil sapat na ang nangyari sa akin para mawalan ng konting tiwala sa mga taong sangkot.
Nawa'y nagsilbing isang leksyon ang blog ko na ito sa inyo.
-fierce & love,
m a r j o e
Biyernes, Abril 22, 2011
Sabado, Abril 16, 2011
Ang Ikalawang Boyfriend ni Babae, Type si Karibal na Lalake.
Minsan kong nasaksihan ang panliligaw ng isang 14 y/o na lalake(?) sa isang ka batch niya rin at dating kaklase noong elementary. Sa panliligaw ng lalake(?) masyado siyang naglaan ng oras para kay babae upang mapansin at determinado siya sa panliligaw. Halos araw-araw daw nililigawan ni lalaki si babae sa text.
Hindi natin maikaila na kung ang text lamang ang pagbabasehan sa panliligaw, hindi masigurado na siya ba'y pursigido at seryoso. Pero ang stratehiya ni lalake kay babae ay ang pagpupuri at pangako 'pag siya'y sinagot. At hindi tumitigil sa panliligaw.
Dumating na ang araw ni Lalake(?). Sinagot na nga talaga siya ni babae. Ayon nga sa una kong source, sweet talaga ang dalawang ito. Pero nangyayari lamang talaga 'pag sa text lang, Sinabi niya rin na hindi raw sila gaanong nakikitang magkasama. Dagdag pa nga ng source ko, takot daw silang ilantad ang kanilang relasyon sa publiko. Kung kaya't palaging busy lang daw sila sa pagte-text.
Wala silang masyadong inilalaang oras kung kaya't hindi naiwasang maging komplikado ang kanilang relasyon. Puro pambabatikos pa raw ang kanilang inabot sa ibang tao. Dahil sa takot ni Babaeng ma isyuhan o ma-chismisan, parang sumuko na raw ito kay Lalake(?) niyang BF.
Nagtext si babae sa kanya na kung pwede, itigil na raw nila ang relasyon para wala ng isyu ang lalong lumaki. Pero sobrang mahal naman ito ni babae ang kanyang BF. Baka ang kanyang tanging point ay ma-proteksyunan ang kanilang mga sarili.
Ayon sa source ko, nagulat si Lalake(?) habang binabasa ang text ng kanyang GF. Hindi raw niya alam kung ano ba ang gagawin. Nang makapag-isip na itong si lalake, biglaan niyang itinext ang kanyang GF.
Nagmamakaawa ito na kung pwede talaga, huwag na lang silang maghihiwalay. Kahit maging sila lang sa text at hindi gaanong lumabas. Dahil nga sa mahal naman niya talaga itong kanyang GF. Nangako rin siyang magpapakatatag sila kahit ano mang isyu ang pumatong sa kanila.
Patawang ikinwento ng source ko na itong si lalake(?) ay umiiyak daw habang itinitext ang kanyang GF. Text pa nga niya ay-- "Please lang. Hindi lang makipag-break knakon kay palangga ko gid ikaw. Hindi ko kamaan ka himuon ko kung waay ka na. Ano na lang ja ako kung hindi ko ikaw ma-imaw pirmi."
Naawa talaga ang kanyang GF. Pero may desisyon din siyang kailangang sundin. At ito'y panindigan ang pakikipaghiwalay kay Lalake(?).
Halos ilang buwan silang walang komunikasyon at nagkakalabuan. Naging malungkot sila sa kanilang paghihiwalay. Hanggang sa may nanligaw na namang Lalake(?) ulit kay Babae.
Sa pagkakataong ito, hindi na nag-atubili si Lalake #2 sa panliligaw niya kay Babae. Hindi siya nahihiyang isa-publiko ang kanyang panliligaw. Wala siyang pakialam kung ano ang sabihin ng iba sa kanila. Ang importante magawa niyang ligawan at mapasagot si babae.
Sinagot ni Babae si Lalake #2 ng bonggang-bongga. Tila bang gusto talaga ni babae ang isang "silahis". Kung kaya't napaniwala ni Lalake #2 si babae sa kanyang tunay na pagmamahal.
Last time, nakasabay ko silang kumain sa isang eatery. Sweet na sweet ang dalawang ito ng ako'y papasok. At tila bang walang mga problemang dinadala. Dahil nga siguro sa komportable sila kahit nasa public.
Pero ang mas nakakaloka pa rito ay ang pagte-text ni Lalake #2 sa kanyang dating karibal.
Halos araw-araw ang pagte-text ng dalawang ito. --ayon sa source ko.
Minsan sa kanilang kalagitnaan ng text, pinuri ni Lalake #2 si Lalake #1 (ex ni babae). Namamangha itong si Lalake #2 sa bibig/lips ni Lalake #1.
At hanggang sa makarating ang usapan sa gustong halikan ni Lalake #2 ang bibig ni Lalake #1. (Imagine, ang current BF, may gusto pala sa Ex ni Babae).
Ayon na nga sa reliable source ko, na-confirm niya talaga na totoo ang pagpupumilit ni Lalake #2 kay Lalake #1.
"Uyy! Lalake #1 nami bala ang lips mo. daw gusto ko ikaw i-kiss.". -dagdag pa ng source ko.
Hindi alam ni lalake #1 kung ano ang i-reply sa text nito. At baka na-trauma sa mga pinagte-text ni lalake #2.
Hanggang sa ngayon siguro, hindi pa alam ni Girlfriend ang mga pinagaggawa ng kanyang BF.
Pero napapabalita namang magka-date palagi ang dalawang ito.
At masayang-masaya naman sa kanilang mahaba-habang relasyon. Dahil nga sa walang takot si Lalake sa magiging batikos sa kanila.
Pahabol pa ng source ko, naiinggit itong si Lalake #1 kay Lalake #2 dahil sa natamong tagumpay ng relasyon.
At sa tuwing napapa-topic itong si Babae, tila umiiwas talaga itong kanyang ex.
---> Kung ikaw ang tatanungin at kunan ng opinyon, Sa palagay mo ba, isa lamang 'yong joke ni lalake #2 kay lalake #1? Samantalang alam niyang si Lalake #1 ay Ex pala ni kanyang current BF.
--Ano ang rating niyo sa kanya.
C L U E :
--mahuhulaan mo na ang babaeng minsan nang naipit sa dalawang lalake(?) 'pag ika'y nakanood ng Alice in Wonderland at kilala mo ang reynang pula.
--ang nickname ni Lalake #1 ay tunog sa pangalan ng isang showbiz writer and commentator sa ABS-CBN.
--ang pangalan naman ng current BF/Lalake #2 ay magkapareho sa isang Politician dito sa Iloilo at isang Representative ng isang district.
'Yun na!

Biyernes, Abril 8, 2011
Swing House
"Last night I dreamt of San Pedro."
'Yan ang linya ng kanta na narinig ko noon nung ako'y papauwi galing sa simbahan. Magtatakip-silim na at kitang-kita sa langit ang mga mabibigat na ulap. At pwede mo ring mabilang ang mga tao na umiikot sa plaza. Hindi ito bababa sa 20 na katao. Napatanong ako: Hindi kaya madilim dahil kumakanta itong si Manika diyan sa Swing House?
Kung ikaw mismo ang nakakita sa kanya, iisipin mong may topak ito dahil sa kumakanta ng mag-isa. Pero sa sandaling panahon na iyon ay tumigil itong si Manika sa pagkanta dahil dumating isang lalake. Una hindi ko siya namukhaan dahil nakatalikod. Pero sa 'di kalaunan, namukhaan ko na talaga siya at ako napa- " :() ". Paano ba naman kasi, classmate ko 'yan nung elementary.
Gusto ko sanang mag-approach sa kanya kaso nahihiya naman ako dahil diyan ang babae. Wala rin sa isip ko kasi na may relasyon sila. Pero napa- " :() " na naman ako nang nilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ni Manika.
Inindiya ko ang mga pangyayaring 'yon. At baka makita pa ako ng ex-classmate ko na nakatitig sa kanila. Kaya tuluyan ko ng nilisan ang lugar na 'yon.
Sa mga oras na 'yon ginutom ako. Kung kaya't nagpasama ako sa school girl namin na bumili ng makakain sa Balabaw.
---lumabas na sa Balabaw habang kumakain---
Para akong nabilaukan nang ma-spot ko 'tong sina Manika at ex-classmate ko. Juice ko! Hindi pa umuuwi ang dalawa. At parang ayaw ibaba ni ex-classmate ko ang kanyang kamay sa balikat ni Manika.
Tila gusto rin naman ni Manika ang ginagawa sa kanya. #chos!
Ito kasing si Manika ay minsan ding nakita na nakatambay sa plaza ng takip-silim.
Na-link din ito noon sa isang lalaking 1st year college. At ang pangalan nito ay inuulit-ulit lamang.
CLUE para kay babae, kapangalan ng isang singer na lalaki ang 1st syllable at dagdagan mo lang ito ng "ka". As in--- SINGER NA LALAKI + KA.

Lunes, Abril 4, 2011
English Ba Kamo?
Nakakalokah 'yung iba. Ba't daw hindi "English Speaking" ang mga entries, status, etc ko dito at sa FB. Sana, sila na lang ang gumawa, di ba?
Kung mas maiintindihan nila sa Ingles ang mga sinusulat ko dito eh di sila na lang ang mag-translate, tutal, sila naman ang nakaisip. Hahaha!
Naiintindihan ko namang suggestion lang nila 'yon. Pero 'yung iba talaga, nanghihimasok na. Nangengeelam na. Gusto na 'kong diktahan kung ano'ng dapat kong i-attitude sa buhay ko.
Gusto kong maramdamang concerned lang sila, pero mas maraming may gusto ng style ko sa lengguwaheng alam ko at kumportable ako kesa sa style na gusto nila eh. Mga Pinoy naman tayo eh. Feeling ko, mas maraming makaka-relate sa akin, mas maraming makakaintindi sa akin kung magtatagalog ako, pahihirapan ko pa ba ang sarili ko?
Kasi ang isip ng Pinoy (Hindi Lahat, ha?), kapag nag i-English, matalino na. 'Yun ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Hindi ba mas nakakatawa, kung magpupumilit kang mag ingles, tapos mali naman grammar mo. Daming ganyan.
Ang dami-dami na nilang nag-i-Ingles, tutulad pa ba 'ko sa kanila? Kanya-kanyang style 'yan para mapansin. Sila ba ang dapat kong i-please o ang sarili ko at ang mga taong "nagtitiyaga" sa akin at nag-e-enjoy sa mga tweets at blog entries ko?
Kung kumportable sina Michelle Dawn, Cleo Ariane, Jazriel Amuenda sa Tumblr at Facebok, eh siguro nga, du'n sila happy at nakakapag-express ng kanilang sarili sa friends nila
Siguro nga, igigiit din natin 'yung prinsipyo natin sa buhay na dito ako masaya, dito ko nae-express ang saloobin ko and as long as hindi naman ako madedemanda o makukulong sa ginagawa ko't sinasabi ko, wala akong dapat ipangamba.
Kung ayaw nila sa opinyon ko, eh me magagawa ba 'ko? Hindi kita ma-please? Edi deadmahin mo ako. Gusto mo ko? Salamat. Ituloy lang natin ang ligaya. Gano'n lang 'yon.
Ngayon, kung gusto mo pa ring mag-Ingles ako sa status sa FB ko o sa entries ko sa blog, sige na nga, aaminin ko na: mahina ako sa Ingles.
Happy ka na?
O, sa presinto na lang ako magpaliwanag?

Nakikibasa lang demanding pa. Naku! Naku! Naku! PEACE! :|
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)