Lunes, Marso 28, 2011

Obama!

          Juice ko! Nakakaloka, marami na talaga ang mga kababalaghan ang nagaganap sa ating lipunan. Kailangan pa ba ng halimbawa? Ito ang isa-- Hindi na bago sa ating mga pandinig ang mga usapin tungkol sa pagde-date ng mag syota. Ibang klaseng pagde-date ang naganap sa kwentong ito. At dapat basahin ng maiigi para ma tantiya ang mga kasagutan.

        'Pag sinabing simbahan malamang doon ka pumupunta para magdasal. Alangan namang ika'y magpapacheck-up doon. Gabi na raw nang mangyari ito. Papauwi na kasi ang aking source (hindi reliable source) galing sa simbahan dahil nag-attend ng isang meeting.

          Nang lumabas na siya sa gate kasama ang mga barkada, nakita niya itong si  Madam Dancer kasama ang kanyang rumored boyfriend. Sa pagkakaalala ko, umuwi ang source ko sa oras na 8:00PM at eksaktong pumasok kaagad itong si Madam Dancer.

          Nagtaka itong source ko, bakit sa ganoong oras, pumasok pa sila sa simbahan? Ano 'yon mangungumpisal sa pari? Curious talaga itong si source ko kaya sinundan nila ng kasama nito kung saan ba talaga pumunta ang dalawang  ito.

           Walang kaalam-alam ang dalawa na sinundan talaga sila. Kitang-kita ng source ko na sila'y umakyat sa Social Hall ng simbahan. (Ngayon ko lang alam na ang pwedeng makapag-kumpisal sa Social Hall). Sa pagkakaalam ko, sobrang madilim ang lugar na ito at maliit lamang ang ilaw.

          Tahimik daw ang buong paligid. Silang dalawa lang sa Social Hall samantala, itong source ko at barkada ay nagtatago. Umupo na ang dalawa. Mahaba-haba ang kanilang kwentuhan hanggang sa dumating ang kanilang hinhintay na kasama ng BF ni Madam Dancer.

      Inip na inip na itong si source ko, gusto na sanang umuwi dahil sa nonsense naman daw ang usapan ng dalawa. Pero naghintay pa sila ng ilang minuto. Hanggang sa narinig nila na kinukulit talaga ni BF si Madam Dancer. At nagulat talaga sila nang marinig ang sabi ni BF kay Madam Dancer.

 OBAMA! ... OBAMA! ... OBAMA!

          Nagpupumilit itong si BF. Pero si Madam Dancer ay napaka-choosy. Dalagang Pilipina(?) siya kung kaya't ayaw gawin ang sinasabi ng kanyang syota. "Baka STRICT PARENTS niya" (haha!)

       Pinipigilan ng source ko't mga barkada na tumawa baka marinig sila ng dalawa.
       Bumigay din itong si Madam Dancer sa hinihingi ng kanyang BF.  (kayo na ang bahalang mag-isip kung ano ang nangyari). Samantala ang kaibigan ng kanyang BF ay tumitingin lang daw sa nagaganap.

          Hindi pinatapos ng source ko ang mga nangyari. Basta ang kalaswaang 'yon ay isa sa kanyang hindi makakalimutang pangyayari.

---Nakakahiya! Sa simbahan niyo pa ginawa.

          Pero hindi lang daw ito ang unang beses na naintriga itong si Madam Dancer. Napabalita na matapos sila maghiwalay ng kanyang BF, ay may bago na naman ito.

          Palaging nakikita ang dalawang ito na tumatambay sa Plaza. Pero ito pa ang ikinagulat ng maraming kaibigan niya. At pumupunta talaga itong si Madam Dancer sa bahay ng kanyang boyfriend. Halos araw-araw din siyang pumupunta doon. Maraming beses na nagtaka ang kanyang pamilya na ginagabi siya sa pag-uwi.

          11:00PM na at hindi pa ito umuuwi si Madam Dancer kung kaya't nag-alala ang kanyang pamilya. Muntik na itong ipa-blotter.


Anong Rating niyo kay Madam Dancer?
--siya ba ay "Lakwatsera" ? :D 



Clue: 
--Kapag nakahawak ka ng isang pera, maaalala mo talaga itong si Madam Dancer.
--Ang kanyang ex-Bf naman, malayo pa lang, alam mo na siya talaga dahil sa Style niyang lumakad 
   
'Yun Na!

Linggo, Marso 27, 2011

Nanay, Sinabunutan si Inday

          "Past is past." ika nga sabi ng iba. Pero nang makita ko kanina sa simbahan ang babaeng ito, naalala ko ang mga kagimbal-gimbal na pangyayari noong siya'y nasa elementary pa.

          Itago nalang natin siya sa pangalang "Shell". Tandang-tanda ko pa kasi noon na itong si Shell ay lumalarga sa Plaza kasama ang mga kaibigan na masasabi mong "Bad Influence" sa kanya. Malakas ang tawanan nila dahil nga sa may pinag-uusapan silang lalaki. Hindi ko na matandaan ang pangalan ng lalaki pero 'pag ito'y aking nakita, nasisiguro kong kilala ko ito sa pagmumukha.

       Doon na tayo sa tawanan, pinagtripan lang naman nila ang lalaking ito. Pinapunta sa upuan at kinausap-usap. Narinig namin ng kaibigan ko ang pag-uusap na iyon at iba ay may halong kabastusan. Pero dinedma lang namin iyon. 6:30PM na at walang humpay pa rin ang kwentuhan't tawanan ng mga babaeng ito.

          Gusto na sana ni Shell na umuwi dahil daw baka pagalitan siya ng mother dear niya. Pero pinigilan ito ng mga kaibigan at pinipilit na mag-extend ng oras. Pero ilang minuto ang nakalipas, gulat na gulat itong si Mother nang nakita niya ang kanyang unica hija na tumatawa sa harap ng isang lalaki.


          Biglang sinugod ito ng  kanyang madir, tinatalakan ng kung anong masasamang salita laban sa anak. Kinabahan naman ang lalaki kaya tumakbo siya pa layo.

      Maraming tao ang nakatingin sa kanila. Animo'y mga usisero't usisera.
   
     Hindi lang iyon ang inabot ng anak sa ina dahil siya daw ay lakwatsera at biglang sinabunutan  ang sariling anak. Humahagulgol sa kakaiyak ang bata. Maraming naaawa sa kanya pero ayaw tigilan ng ina nito sa kaka-mura.




Sa tingin niyo ba, tama ang ginawa ng ina niya sa harap ng maraming tao?


Clue: 
--ang apelyido ni Shell ay maririnig mo palagi 'pag ang isang sasakyan ay umandar na. At may Kuya na makikita mo ang mukha sa gilid ng isang sasakyan

'Yun na! :)

Sigarilyo

          This school year ko lang nakilala itong lalaki na itatago na naman natin sa pangalang "Narsing", nung una ko siyang nakita napa wow! at na starstruck ako sa kanya. Hindi siya gwapo pero kung ito'y iyong nakita sa malayo, alam mo na kaagad ang kanyang asset. Kung kaya't napamangha ako sa kanya ng bonggang-bongga.

          Sa katunayan naka-text ko pa siya. Mabait siya sa text at marunong sumakay sa mga pang-ookray ko. Ako kasi ang tipo ng tao na kung may maka-text, pinaprangka ko kaagad. Hindi ko siya pinagdudahan dahil mukha siyang mabait at walang bisyo.

      Dumating ang panahon na hindi ko na siya feel ka-text (choosy ako. haha.) Kaya sa bawat group message niya, hindi na ako nagre-reply. Noong December (vacation), palagi kong nakikita ang anino niya kasa-kasama ang mga barkada nitong mukhang addict. Napatanong ako sa sarili ko-- "Ba't ganito ang kanyang mga barkada, parang nakakatakot." Pero syempre parang aso na nakabuntot itong si Narsing kung sumama sa mga dabarkadz.

            Minsan rin namin siyang nakasama sa isang pag-eensayo last month. Ugali ko rin kasi na titigan ang mukha ng bawat taong nakakasalamuha ko araw-araw.

         Napansin ko na ang kanyang bibig ay parang dark violet. (malay nating baka nag-lipstick siya ng gano'ng kulay.hahaha). Binale wala ko lang iyon.

      Ilang araw din kaming nag-ensayo. Marami kami pero ako lang yata siguro ang nakapansin sa kanyang bibig. Hindi lang 'yon, nagtataka rin ako kasi itong si Narsing ay palaging nag-aabsent sa mga practice. Kaya palaging nag-aalburuto ang kanyang partner.

      Speaking of kanyang partner, naibanggit niya sa amin na parang may something na Smellanie Marquez ang kanyang hininga. Amoy-sigarilyo raw ito. Sa bawat araw na kami ay nag-eensayo, na Smellanie Marquez talaga ng kanyang partner at hindi kinakaya.

          Minsan rin siyang nahuli na naninigarilyo. Sayang! hindi ko nakita. Kaya hindi ako agad naniwala. Pero kahapon lamang, nang ako'y pauwi na spot ko itong si Narsing na hawak-hawak ang isang stick ng sigarilyo at biglang nagpabuga ng usok.

          TAMA pala ang usap-usapan na siya ay naninigarilyo. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata.


Anong Rating niyo sa kanya?  

Kaya ito na ang clue na dapat niyo nang tantyahin.

--Kaya ako napapa-starstuck sa kay Narsing dahil ang mga damit nito lalo na ang sapatos ay violet.

'Yun na! 
       

       

     

Backstage

          Ilang beses na akong nagperform sa isang entablado. Hindi ko makakalimutan noong ako'y 1st Year HS at sa Monday Program namin, kami'y nagkaroon ng isang Skit. Syempre Freshmen pa lang kami at hindi pa sanay sa mga ganoong bagay. Tapos na akong magbihis at nakahanda nang sumampa sa entablado. Juice ko, ramdam ko ang init at kaba sa backstage. Pero inindiya ko lang 'yon.

         Pero hindi ko alam na mas may mainit pa palang mga pangyayari ang nagaganap sa tinatawag nilang-- backstage.

         Ang mga sangkot sa krimen (krimen talaga. haha) na ito ay mga incoming 4th year students. Nagkaroon sila ng relasyon noong 1st year hanggang 2nd year. Palaging sweet "daw" ang mga ito. Palaging umiikot sa campus, ground at kung saan pa sila dalhin ng kanilang mga paa.

         Ito na ang pagsasalaysay ng aking source. Putak ng putak kasi ang source kong ito. At detalyado rin ang pagkukuwento sa akin. Kaya ang pagbabahagi ko rito ay detalyado rin gaya ng mga kanyang nasabi sa akin. Kung mapapansin niyo, ang binanggit ko ay source. Hindi ko binanggit ang salitang "reliable source", dahil malay ko naman kung hindi ganito ka eksakto ang kwento, mahirap na, di ba?

       Oh, at least, me benefit of the doubt ako. Hindi ko agad-agad pinapaniwalaan ang nakakarating sa akin, dahil Una, wala ako doon. Pangalawa, malay ko ba kung iba ang dahilan, hindi pala itong nakarating na kuwento sa akin, di ba? Kasi, ang alam ko talaga, may relasyon sila at nagde-date.

Ito na talaga--- habang si Lalaking (itatago sa pangalang Juan) ito'y hinihintay ang kanyang GF at ngayon ay EX-GF (itatago sa pangalang Gracezilda) na matapos ang last period sa hapon, tini-text na niya ito kung saan magkikita upang makapag-ikot naman daw sa ground ulit. 

-- "Bhe, diin ka na? Ja ko ga hulat sa Quadrangle. Diretso ka lang ja kar-on."

nag SmartAlert si Gracezilda, humihingi ng P5 na load. (hahaha. Charing lang.)


           Nang matapos ang last period.... nagkita na ang dalawa. I'm sure that time, kinilig si Juan sa pagdating ni Gracezilda.

          Pero nagulat daw si Gracezilda na ito nang siya'y dinala ni Juan sa Backstage. Walang idea si Gracezilda na ito kung bakit ba talaga siya dinala roon. (hindi naman siya siguro gagahasain. LOL)

          Doon daw sila pumuwesto sa Left Side ng Backstage. Dahil nga sa papauwi na siguro ang mga estudyante. Kung kaya't nag take advantage (hahaha) itong si Juan na gawin ang siguro'y pinaka inaasam-asam niya. ang-- Halikan sa bibig si Gracezilda.

          Nagulat si Gracezilda. Sana sumigaw siya ng "Kuya! Huwag po Kuya!" (haha), pero baka hindi lang niya ito naibulalas sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Juan sa kanya. Wala siyang nagawa upang pigilan ang plano ni Juan sa kanya.

          Sinabi ng source  na tumagal ng tatlong (3) minuto ang halikang iyon. Dahil (according sa source) sa nagustuhan pa raw ito ni Gracezilda. At hindi lang iyon ang nagyari, marami pang mga kalaswaan ang naganap sa panahong iyon. (Ba't ganoon, kaibigan ka pa naman ng Gracezildang 'yan. Nilaglag mo pa siya.)

    Inakala ng dalawang iyon na habang naghahalikan, walang may makakakita sa kanila. Pero doon sila nagkamali--- nakita raw sila ng isang ****h** (at hanggang doon lang ang pagbabahagi ko tungkol sa nakakita rin. Mahirap na. LOL)


    Balikan na natin ang nangyari, tumigil sila ng paghahalikan at nagsitakbo palabas ng backstage at quadrangle.

                              Doon na nagtatapos ang pagbabahagi ng isa sa mga source ko.



                Para sa akin, 'yung mga ganoong bagay ay hindi dapat tino-tolerate ng isa o higit pang mga kabataan. Imagine! Naganap ang pangyayaring iyon noong sila'y 1st o 2nd yr pa. Sa edad na iyon, marami ng alam ang  dalawang iyon. Ano pa kaya kung sila'y makarating sa edad na pataas?

          Mas katanggap-tanggap pa "siguro" kung itong si Juan ay nakanakaw ng halik (Smack Kiss). Huwag naman 'yung tinatawag nilang French Kiss. --Ano feeling mo yah? :P


          Para kay babae, alam mo naman siguro na sa lahi niyo, kayo'y marurupok at madaling manghina 'pag kaharap ang isang lalaki. Huwag naman 'yung sobra-sobra at gawin na isang libangan (LOL). Pinapababa niyo ang inyong mga dignidad at moralidad. Sana'y inalam mo na kung babae na ang nakagawa ng isang kasalanan, magiging mababa na ang pagtingin sa inyo.


          Para kay Juan, sana kinontrol mo 'yang sarili mo. Nakakaloka ka! Bakit Pare, uhaw ka ba sa babae at halik? Mabuti nga dahil lalaki ka at pag ika'y nakagawa minsan ng kasalanan, parang walang masyadong isinisisi sa'yo. Sana hindi mo binastos si Gracezilda. Tandaan mo, may kapatid ka pa namang dalawang babae. At that time, BF/GF pa lang kayo ni Gracezilda.



     Huwag nating isipin na iyong ay ang tunay na pag-ibig, sa ganoong edad hindi mo pa kayang magmahal ng todo-todo. Para sa akin, ang mga pangyayaring iyon ay dumaan sa isang proseso ng pag-ibig at matatawag na ----infatuation.

Infatuation ang naramdaman ng dalawa sa oras ng kanilang pagsasama.  



CLUE:
--Si apelyido ng Gracezilda na ito ay magkapareho sa pangalan ng isang store.
--Si Juan naman ay may initials na pag ito'y iyong isinulat magtataka ka kung ito ba'y Lalaki o Babae

-----Yun na!-----

Sabado, Marso 26, 2011

Ay! Nakibot Baby Ko!

          Sino dito sa inyo ang may BF/GF? Kung meron, normal naman siguro na lumabas paminsan-minsan o masasabing nagde-date. Kasi nga 'yun lang naman ang oras na kung saan makausap niyo ang isa't isa.

          Pero itong nakilala kong mag-Ex ay ini-enjoy noon ang kanilang pagsasama habang sila pa. Mahilig pa raw silang mag-date kung saan-saan lalo na sa Plaza. Minsan, niyaya ni Lalake si Babae na pumunta sa Plaza upang sulitin ang pagkakataon habang sila pa.

         Todo bihis itong si Boy at kung makaporma ay daig pa ang kagwapuhan nina John Lloyd at Piolo (sabeeeee). At itong si Girl ay nagpabango naman "siguro" para kay Lalake.

          Naunang dumating sa Plaza si Lalake, nakakahiya naman sa part ni Babae kung huling dumating si Lalake. At isa pa may oras naman silang pinag-usapan kung kaya't walang rason upang ma-late siya.

           Sobrang cheesy daw ng dalawa habang naglalakad, nagkukuwento ng mga karanasan atbp. Pero sa kalagitnaan ng usapan, biglang may pumutok ng malakas as in-- BOOM! 

Biglang natakot/nagulat at may halong kaba si Babae kaya napasigaw ito. Sobrang alert naman si Lalaki at napabulong kay Babae-- "Ayy! Nakibot Baby Ko!" sabay Hug sa kanyang GF.

         Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon ni Babae nang siya'y yakapin ng kanyang BF. Maaaring siya'y Nabastusan, Nagulat, Namangha o "baka" Gustong-gusto niya ito.

         Ang sagwa naman ng ginawa ni Lalaki, porket nagulat lang ang kanyang GF, yayakapin na niya agad. Kaloka naman nito.  

   Pero kung ikaw ba naman ang lalaki, ano ang iyong gagawin kung saka-sakaling magulat ang iyong GF ng ganun? Aber!   



Where's the Clue? 
--Oh eto na ang hinihintay niyo. Konti lang ang ibibigay kong Clue dahil nasisiguro kong mahulaan niyo na ito kaagad.

Basta sa babae, siya'y may kaparehong pangalan sa Imortal cast

Para naman kay lalaki, ang apelyido nito ay magkasing-tunog sa isang underwater structures. 'Yun na! 


           

Grocery

"oh friend, wala pa si Maam, labas muna tayo at bumili ng snacks. Recess time naman eh. Basta bilisan lang natin ang pamimili."
Araw-araw 'yun na lang ang linya ng lalaking(?) ito. At itatago natin siya sa pangalang Suki (dahil nga sa suki siya  sa YECS, COOP, Feeding Center at Canteen). First impression ko sa kanya ay parang normal lang kung kumilos at dahil nga sa chubby siya, hindi ko naman talaga inisip na hindi siya "Rated PG".  Pero lahat ng iyon ay napalitan ng isang "gulat" nang ikuwento sa akin ng friend niya na friend ko (nahilo?) ang araw-araw niyang pango-grocery.


Minsan, itong friend ng friend ko ay isinama ni Suki na mag-recess. Nagtaka naman ang friend ng friend ko kung bakit sa pagkarami-rami nilang magkaklase eh siya lang ang isinamang mag-recess. Inakala niyang ilibre siya ni Suki kaya mabilist itong tumayo sa kanyang inuupuan. Syempre, naglakad-lakad sila at humanap ng grocery store sa campus. Huminto sila sa tinatawag na "crossroads" dahil hindi alam ni Suki kung saan ba talaga ang magandang pamilihan ng pagkain. halos ilang minuto naman itong si Suki mag-isip kung saan ba talaga bibili. Matapos ang pag-iisip, sa YECS lang din naman pala siya bibili.
 "Manang, bakal ko gani." --sabi ni Suki.
"Ano baklon mo?" --patanong naman ng tindera.
"Apat gani ka Rebisco Buddy Crackers tapos isa ka Coke."


Namangha naman ang friend ng friend ko dahil nga sa mga pinamili niya. Pinuri niya si Suki habang naglalakad pabalik sa kanilang classroom.


Binuksan na ni  Suki ang pang-apat na Buddy Crackers at muling nagtaka ang friend ng friend ko na bakit hindi siya binigyan ng Biscuit. Sinamahan naman daw niya ito. Pero kung sakaling hindi siya bibigyan okey lang daw pero apat (4) naman ang binili niya eh. Ba't di siya binigyan?


Naubos nga ni Suki ang mga kinain na hindi binigyan ang friend ng friend ko. At parang nakulangan pa daw ito kaya sa next period ng klase nag grocery naman daw ito sa Canteen at ang binili naman ay ang sari-saring kendi sabay dagdag ng isa pang Coke.


Nagtago pa daw ito sa mga kaklase habang kumakain. Inakala niyang hingian siya ng mga kaklase pero hindi. Siguro, abot-langit ang ngiti ni Suki habang kinakain ang mga matatamis na kendi (maliban nalang kung Maxx ang Binili. Haha.)


Natapos na niyang kainin ang lahat. Kaya kunuha na niya ang bag at pumasok na sa next period ika nga. Infairness, hindi siya nagsasalita habang umuupo. Samantala ang kanyang mga kaklase ay putak ng putak. "Baka" busog na sa mga kinain.


     Likas na daw sa kanya ang pagiging Suki sa YECS, Canteen, Etc.
Hindi ko na siguro idi-detalye ang lahat-lahat baka kayo'y maloka pa. Basta araw-araw na talaga ang gawaing ito.


 Kailangan pa ba ng Clue? Parang gets niyo na siya. Makikita mo siyang aakyat ng stage sa Moving-up Ceremony. At ang first name nito ay magkatulad sa pangalan ng isang Hospital sa Iloilo. 'Yun na!


--Pero sa ganyang bagay, hinay-hinay lang sa pamimili at pag waldas ng pera. Hindi naman siguro masama kung ika'y kumain. 'Wag naman 'yung sobra-sobra at baka 'yun pa ang dahilan na ika'y bansagang "RATED PG"








Comment naman diyan.
Sige ka, hindi kita bibilhan ng apat (4) na Rebisco Buddy Crackers :P