Nangako akong tatapusin ang blog na ito. Kanina lamang, naka-chika ko si Gale Alquitran sa tricycle, normal na raw siya kasi may pimple nang tinataglay.
Pero kung may teleserye mang tungkol sa topiko ngayon, sana pasado ang mga linyang ito.
Kahit kailan, hindi kita kailangan. Bakit sulpot ka nang sulpot? Nakakasira ka ng araw. Nakakasira ka ng diskarte. Mako-conscious na naman ako niyan, dahil nandiyan ka. Bwiset ka!"
Kung may buhay lang ang "taghiyawat" at nakakapagsalita rin, siguro, sinagot ka na niyan ng, "Ulol! Ga*o ka? Pinagpuyatan mo 'ko, tapos, ieetsa-puwera mo lang ako? Okay ka lang?"
Sino ba'ng gusto ng pimples?
Sa mga sanay nang tubuan nito, normal na lang ang dayalog na, "Ah, okay. Andiyan ka na naman. Favorite mo talaga ang mukha ko! Mawawala ka rin!" na pag nawawala nga, kaagad-agad, may kapalit na naman ito hanggang hindi mo namamalayan, wala ka na palang pimples na puwedeng mapaglagyan pa sa mukha mo.
Siguro, kung may mga paa lang ang pimples, palalagyan mo rin ng pinto ang mukha mo para hindi makapasok at pamahayan ng peste.
Kahit kelan ay hindi mo puwedeng sabihing weather-weather lang ang pagtubo ng pimples sa mukha mo. Kung minsan nga, hindi ka naman nagpupuyat, kumbakit paggising mo, andiyan na naman siya.
Na ang katwiran naman ng iba, "Tumutubo 'yan kasi isip ka nang isip, balisa ka, nagwo-worry ka, hindi ka mapakali!"
Ako, noong Grade Six hanggang ngayong HS ako-- walang exaj, ha? Juice ko po, araw-araw, ang lulusog ng mga pimples na tumutubo sa mukha ko. Mapipintog at mabibilog. Na otomatik na 'yan, ipiprik ko talaga siya to death na magiging sugat, tapos, hahayaang mag-heal hanggang sa maging scar na.
Tapos, same procedure kapag bumalik uli ang hayop na pimples.
Charo Santos-Conscious talaga kasi ako sa pimples, eh. Lalo na nu'ng araw na kung ano-ano na lang ang kapaniwalaan kong kayang sumugpo sa pimples ko.
Hindi naman nagbubuntis ang pimples, di ba? Pero nanganak siyang lalo. Kaloka!
Ang ginawa ko, dasal na lang kay St. Therese. Kilala niyo ba si St. Therese? No, 'yung iniisip niyo, Santo 'yon. Si St. Therese na kilala ko, iyan yung ginagawa ko na lang sa pimples ko noon, dahil walang pampagamot--Therese nang Therese.
Kaya noong papasok na ako sa HS, sabi ko sa sarili ko, dapat bongga naman ng fez ko Basta kahit chaka (read: pangit) ang face ko, ang importante, humupa lang ang tsunami ng pimples sa mukha ko.
Kung sino-sinong mga OPM (Oh, Promise Me!) na dermatologists na ang nakipagpambuno sa pimples ko, kung ano-anong gamot ang binili ko mismo sa clinic nila, 'yung iba, nagreseta pa at sa botika ko pa ipinagbili, wa pa ring talab.
Minsan nga, naisip ko, sa dami ng resetang nasa akin, ano kaya kung 'yung reseta na lang ang ipahid ko sa mukha ko, magkahimala kaya? Ganyan ako kadesperado noon.
Hanggang sa nag-chat sa akin si Nang Sharahbelle, nag-suggest na ring gumamit ng 1st Health Glutathione Soap. At napansin ko na rin ang paunti-unting pagbabago.
Hindi naman ako doktor. Isa lang akong nilalang na punumpuno ng karanasan, este, ng pimples noon. Bibigyan kita ng tips kung paano maiiwasang magka-pimples. Saveehh?
Alam kong depende pa rin sa type ng skin mo, sa habit o sa routine mo, sa mga kung anik-anik na inilalagay mo sa mukha mo o sa sabong gamit mo kaya ka nagkaka-pimples.
Pero base sa aking "pimple journey," eh ang dami kong na-realize.
Una, pag makinis na ang mukha mo o hindi ka tinutubuan ng pimples, kung ano 'yung routine mo sa mukha mo o sa life mo, 'yun ang i-maintain mo.
'Wag ka nang maging vain. 'Wag mo nang balaking magkutis-artista na gusto mong ma-achieve ang rosy cheeks. Baka mag-react lang ang skin mo sa ipapahid mong astringent o ointment o sa pinaiinom sa 'yong tabletas o capsules. In short, 'wag kang umarte porke me panggastos ka. Lalo kang gagastos pag hindi mo na-achieve ang pangarap mong rosy cheeks.
Pangalawa, pag tinubuan ng isang pimple ang alinmang parte ng mukha mo, deadmahin mo. Wag mong papansinin. May isip ang pimples. Nang-iinis ang mga gagong 'yan. Pag 'yung kaisa-isa ay tiniris mo, natural, magre-react 'yan.
"Ah, gano'n, tiniris mo 'ko? Puwes, humanda ka, isusumbong kita sa mga kasamahan ko para lalo kang pamugaran ng aming angkan! Bwahahaha!"
Pero kapag dinedma mo, mararamdaman ng pimple na 'yan na, "Bakit hindi mo 'ko tiniris? Paano ako manganganak nang marami, ayaw mong pisain? Ayaw mo 'kong pansinin? Magtatampo ako sa iyo"
Alam n'yo naman ang mga pimples, para siyang multi-level marketing o 'yung tinatawag na "networking." Pag hindi gumana ang "upline," hindi siya makakakuha ng mga "downline."
Pangatlo, pag hindi ka makatiis at kating-kati ka nang tirisin ang unang pimple na tumubo sa mukha mo, hugasan mong maigi ang mga kamay mo bago mo ito tirisin (hangga't maaari, wag gawin ito). Tapos, kuha ka ng yelo ('wag 'yung nakadikit sa wall ng freezer, ha?). Idikit mo 'to sa apektadong area of responsibility for how many minutes.
Pang-apat, pag may tumubong pimple sa tungki o tuktok ng ilong mo, nako, please, 'wag na 'wag mong pakikialaman.
Juice ko, pimpolin ka na sa ibang bahagi, 'wag lang sa ilong, dahil sentro ang ilong, kahit anong kinis ng mukha mo, pag meron kang isang bonggang pimple sa tungki ng ilong o pimple scar (ang masaklap nito kung umaalsa ang scar o nagiging keloid), mapapansin pa rin 'yan ng mga fans mo (kung meron, ha?).
Ipagdasal mong sana, next time, sa loob na lang ng ilong tumubo kahit ang sakit.
Panglima, kapag sa noo tinubuan ka, baka natutusok ng mga dulo ng bangs mo, kaya i-brush up mo o awatin mo ng headband o ng hairclips.
Pang-anim, 'wag kang Charo Santos-Conscious na harap ka nang harap sa salamin para silipin kung may pimple kang nag-"guest of honor."
Pag inisip mong baka tinubuan ka na kaya ka tumitingin sa salamin, baka sorpresahin ka ng pimples sa ibang araw, sige ka.
Pangpito, kung nandiyan na 'yan at nataymingan naman na magpapakuha ka ng litrato na pang Profile Picture sa FB, baka puwedeng i-photoshop ang litrato mo.
Doon man lang sa litrato mo, kuminis ang mukha mo. Agree?
Pangwalo, kung bago mo nabasa ito eh huli na at marami ka nang pimples, i-sey mo na lang sa mga makakapansin, busy ka kamo at puyat palagi, kaya "bepimpled" ka.
Para hindi na masyadong masakit sa damdamin.
Pero come to think of it, panlabas na anyo lang 'yan. Mas importante pa rin ang ugali mo sa iyong kapwa at sa sarili.
Hindi kailanman tinitighiyawat ang pagkatao ng isang tao. Kung hahayaan mong madungisan ang iyong pagkatao, saka mo ituring na taghiyawat 'yon.
Papaapekto ka ba sa pimples kung marami namang nagmamahal sa 'yo resulta ng pagiging isang mabuting tao mo?
Depende naman iyan kung paano mo ipi-presenta ang sarili sa madla.
Tandaan mo...
Balewala ang pimple kung marami namang natutuwa sa 'yong pipol.
BLIND ITEMS, atbp
ni MARSHelino Pan Y Vino
Miyerkules, Hulyo 20, 2011
Sabado, Hulyo 16, 2011
Public Display of Affection
Pag-ibig nga naman, hahamakin talaga ang lahat makuha lang ang gusto. Kung minsan hindi mo na alam ang mga pinaggagawa, kung ito ba'y labag na sa inyong pagmamahalan o hindi pa. Hindi naman talaga maiiwasan sa ibang relasyon na ibibigay talaga ng babae ang lahat-lahat sa kanyang syota o kahit vice versa.
July 9, 2011 sa oras na 9:30 ng umaga, may photoshoot kami sa school na magsisilbing proyekt sa MAPEH at about Physical Fitness iyon. Naka- PE Attire kami ng bonggang-bongga at inumpisahan muna sa stretching.
Pumunta na rin kami sa Lawn Tennis Court para mag-perform ng iba't-ibang Physical Fitness Test. Sa kalagitnaan, natanaw ko ang dalawang mag syota na ito. Naglalambingan at naghaharutan sa likod ng CR ng Science LRC. Sa una, hindi ko maalintana kung sino ba ang dalawang iyon, mabuti na lang at kumakain ako ng kalabasa kung kaya't na focal zoom ko silang dalawa.
Na bother ako sa kanilang dalawa at sa mga pinaggagawa (ayokong i-detalye). Hindi nila naisip na kapag Sabado, may mga estudyante pa ring bumabalik sa school.
Nag-perform din kami ng 50-meter sprint at 1000-meter run. Sabi ko sa aking sarili, makikilala ko na ang babaeng itey. At hindi nga ako nagkamali, Siya nga! Si _______. Omehgad! May patakip pa ng pagmumukha si Girl, as if naman na whindi namin siya nakilala.
Pero ito pa ang mas nakakaloka, habang nagpe-perform kami, hindi pa rin sila maawat ng kanyang jowa. Nakahilata si boy sa hita ni babae, Napaka SuperDuperMega PDA naman ang mga pinaggagawa nila.
Tapos sasabihin niya na nakakahiya ang kanyang ginawa. Talagang nakakahiya. Mukhang wala siya sa tamang pag-iisip.
Basta ang name niya ay magkatunog sa bagay na pansulat at ang apelyido ay iyong ginagawa sa door ng isang mall kapag ikaw ay may balak pumasok. Yun na!
~Sana hindi mangyari na may lolobo sa kanyang katawan.

Sabado, Mayo 21, 2011
Ismoltaym Tsika
(from time to time, ia-update ko 'to, ha? Kaya lagi lang kayong mag-check kung may bago)
---o0o---
Parang Venus Raj lang ang peg ng babaeng ito. Kahit na kulay-kape lang siya. Apat (4) na lalake lang naman ang mga manliligaw niya. Pero isa lang ang nangibabaw sa puso niya. Kaya sinagot niya ang mukhang Chinese na ito.
Fast forward na lang tayo...
Kung saan man sila (dalawa) magpunta, nilalanggam talaga sila. Parang magugunaw ba naman talaga ang mundo. Eh araw-araw silang magkasama
Eksaktong dumaan kami ng mga kaibigan ko malapit sa terminal ng Van. Nakaupo sila sa Waiting Shed. Ilang minuto matapos silang nakaupo, dumating ang madir ni babae.
Nataranta itong si Lalake. Samantala, pasimpleng nagtatagong nakayuko sa likuran at may halong kaba't takot.
Mabuti na lang at hindi siya nakita ng kanyang madir. Dahil magaling siyang magtago. Nang nakalampas na ang mudra niya. pabulong siyang nagtanong sa kanyan syota kung diyan pa rin ba ang nanay niya... "Wala na!" syempre ang sagot ng kanyang syota.
Eh kung nakita siya ng kanyang nanay, ano kaya ang magiging reaksyon nun?
Ang pangalan kasi ni babae ay magkasing-tunog sa first phrase ng isang tongue twister. Samantala ang kanyang apelyido ay magkasing-tunog sa ginagawa mo sa pintuan ng mall bago pumasok.
---o0o---
Halos isang taong nagsama ang dalawang bagets na itey. Pero gaya nga ng na mention ko sa previous posts ko, lagi naman itong nauuwi sa ma hindi pagkakaintindihan at pag-aaway.
Ganito mismo ang nangyari sa dalawa. Kasi napapabalitang may 3rd party diumano sa pagitan ng dalawa.
Habang kumakain ang dalawa sa isang store, hiniram ng girl ang cellphone ng kanyang boyfriend.
Matagal na kasing may hinala si Girlaley na may itinatagi si Lalake sa kanyang cellphone. Sabi ni Babae, maglalaro lang siya. Pero 'yung totoo, binabasa na niya ang mga messages na nakapaloob sa inbox.
Oo, tama nga ang hinala niya. Ang mga katagang I Love You mismo ang nabasa niyang mensahe mula sa 3rd party.
Hindi pinagalitan ni Babae ang kanyang syota. Kundi gusto pa niyang i-verify talaga. Kung kaya't isinama niya ang naging source ko sa kanyang plano na sundan ang syota kahit ano pa ang ginagawa sa labas.
At doon nga niya nakita na may kasama ang kanyang boyfriend. Nagtaka ang babae kasi bago sa paningin niya ang babae.
"Kanugon ang relasyon namon. Tana man gle mismo ang nagguba."
Nang sila'y mag-date uly, maasim na mismo ang mga feeling niya para sa lalake. Kaya todo Frankenstein siya para mapa-amin lang ang BF. Samantala, hindi na nakasagot ang lalake sa hiya. Doon din nila winakasan ang relasyon.
Nanghihinayang talaga ng to the highest level si Babae. Sayang at malungkot ang nagyari pero kailangan niyang mag move-on na.

Naniniwala ba kayo na kapag ang isang straight na lalake ay naglagay ng colorete specifically "lipstick", gumaguwapo na ba siya sa mata ng bawat tao?
Iba kasi 'tong nakilala ko. Sy 2010-2011 ko lang siya nakilala. Oo, baguhan siya rito. Sa una hindi ko pa alam ang pangalan niya.
Hindi ko rin nga alam na magka-batch kami eh. Nung sumali lang siya sa isang contest. February 18, JS Prom namin. Aba! Bihis na bihis ang lahat, syempre.
Papasok nakami ng Quadrangle. Nakuha niya ngaang atensyon ko, nang makita ko na nagli-lipstick pala siya.
Oh my! Kakaiba ang lipstick ni Bagets. Orange na orange lang ang bibig niya. Oh diba! Nai-imagine niyo na ang fez?
Napapadalas na ang kita ko sa kanya. Na-improve pa yata ang make-up skills niya. At ngayon naman ang kanyang noo, leeg, at batok ay maputi na naman. "Naku! Nagpa inject ka ba ng Glutathione?"
Gusto kong tanungin kaso nahihiya lang. Nang matanong ko ang aking kaibigan na may crush sa kanya...
"Nasanay lang na sa gin halinan. Gwappo o astig ka kung naga-lipstick ka sa ila."-- depensang sagot nito.
Oh diba! Talbog ang beauty ng mga kababaihan sa kanya lalo na't ang initials nito at agad-agad mong matantiya 'pag ang iyong relative(s) ay may gustong alamin dahil sa pag-highblood nito.
Gayunpaman, minimize lang sana. Lalo na't iba ang mga estilo o pamamaraan ng pagpoporma rito. Hindi gaya sa kinalakihan. Dalawa lang yan eh: Kung naiiba ka, maaari kang purihin o insultuhin ng iba.
---o0o---
Masaya si Lalake sa piling ng kanyang matagal ng girlfriend noon. Pero gaano ka totoo na ang dating Ex-Girlfriend ay nagseselos diumano kay Present GF?
Hindi ko alam kung bakit nag-break 'yung dalawa noon. Basta yun! Nag break lang sila.
Fast Forward....
Minsan napabalitang may iringan sa pagitan ng dalawang Eva na napaibig ng isang Adan. Share ng isa kong friend, habang sila'y nasa Plaza, doon nakatambay ang grupo ni Ex-GF, dumaan si Present dahil bibili raw ito.
Aba! Pinaringga b naman daw ng isang ka-grupo ni Ex-GF si Present?!
"Ay! Mu ja ang Girlfriend ka Ex mo?........". At kung ani-ano pa ang mga pinaghihimutok nito. At tila bang siya ang iniwan ng lalake.
Silent Night lamang si Babae, kasi ayaw niyang patulan ang mga patutsada ng ibang miyembro ng grupong iyon.
Mabuti at diyan din ang ibang kaibigan ni Present GF para alertong dumipensa.
Hindi ba't napakamali para umepal pa ang Ex kay Present? May galit ba si Ex na ang initials nito ay ang gusto mong ipalit kapag naba-bad vibes para sumaya ka naman.
---o0o---
Lunes, Mayo 16, 2011
Tuso
Bihira lang kayong makakarinig ng kwento ng isang batang tuso at makulit.Nung bata kasi ako, marami na ang nagtatrabaho rito sa bahay namin bilang Maid/Yaya. Isa na roon si Manang Indang. Siya talaga ang nagpalaki't nag-alaga sa akin. Kapag kumakain ako, sinusubuan niya ako tuwing kumakain, mapa-breakfast, lunch at kahit sa dinner. Hanga ako sa paraan ng pagpapalaki niya sa akin. Ni isang reklamo wala akong narinig sa kanyang reklamo mula sa akin.
Minsan, nainis ako sa kanya. Ayaw niya kasi akong bilhan ng kendi sa tindahan. Dahil naglalaba pa siya. Hindi ako makapaghintay. Umiyak na ako sa inis. Hindi ko na alam ang mga ginagawa ko nang oras na yun. Dagli kong kinuha ang Zonrox at binuhos ko sa ulo niya. Gusto niya akong pagalitan kaso alam niyang tuso ako dahil isusumbong ko lang siya kay Mudra.
Pero hindi lang talaga Zonrox ang binuhos ko sa kanya. Noon nga, sa sobrang galit tumakbo ako palabas ng bahay at kumuha ng buhangin para itapon sa kanya. Naku! Kung nagsasalita lang ang buhangin at Zonroxm tiyak papagalitan ako dahil sinayang ko lang ang gamit nila.
Magsasalita lang si Zonrox na-- "Naku! Ikaw talagang bata kam panglaba ang gamit ko, bakit mo ako ginawang pang rebond sa buhok ni Manang Indang?"
Kaloka naman yang si Manang Indang kasi ayaw niya akong isumbong dahil alam niyang mapapagalitan ako. Pero kumalat dito sa amin na ganyan ako ka sama. Tinawag pa nila akong Sadista. Pero kung inakala niyong tumigil na, hindi pa kaya.
Bago umalis dito sa bahay si Manang Indang upang magtrabaho sa Manila. May pumalit na sa kanya na isa pa. Si Manang Johna, sa una magkasundo kami niyan eh. Pero habang tumatagal, hindi ko na siya gaanong na-feel. Nagkalat ako sa bahay. Aba! Nagalit ang babaeng 'to. Ako pa ang pinagalitan ng malakas.
Tumahimik lang ako. Sa isipan ko: "May araw ka rin sa akin.". Naghintay lang ako ng pagkakataon, tamang-tama kasi mahaba ang buhok niya (sa itaas syempre). Kaya nagkalat ako ulit. Expect ko sa mga oras na 'yun na magagalit talaga siya. Kaya sinigawan ko siya. "Sino ang bata ka boss mo ja haw?". Tinapik niya ang kanyang kamay sa braso ko sabay talikod sa akin.
Para akong si Lastikman dahil naabot ng kamay ko ang buhok niya. buong pwersa kong hinatak ito. At laking-gulay ko lang nang naglagas ang mga buhok niya't nakita ko na buhol-buhol na ito sa mga kamay ko.
Umakyat siya sa kanyang kwarto at umiiyak. Nang gabing dumating si Mudra, sinumbong niya ako. Todo-akting naman ako sa harapan ni Nanay. "Tana man nanguna, Nay. Man-an mo nga nagahampang ako ja, karaan na gid ako kay garapta lang kuno. Tapos gin hampak na pa ako." (Dumaloy ang uhog aat luha sa aking leeg. #chos!). Kinaumagahan, doon na nagpaalam si Manang Johna sa amin. Dahil hindi na niya raw kaya ang mga pinaggagawa ko.
Pumalit na naman ang kanyang kapatid na si Juvy. First impression ko sa kanya ay maldita na. Kaya alam ko na agad na hinding-hindi kami magkakasundo. Kento kasi ni Joha na mag-ingat daw siya sa akin. Pilit niya (Juvy) akong pinapasindak pero ayaw tumalab sa akin yan.
Inakala niyang matatakot ako sa kanyang mahahabang kuko. Sa tuwing magagalit siya sa akin, kinukurot niya ako sa hita. Sumbong na naman ako sa Baranggay Hall. Ipinapakita ko ang ebidensya na kung saan nagmula ang mga sugat na gawa ng babaeng 'yun. "Bata tana ja muh. Kung mapasaway tana, asensyahi lang. Waay pa ra kamaan ka gna himu na." Iyan ang sabi ni Mudra sa kanya. Sa aming dalawa, siya pala ang nasindak at hindi nga ako. Kaya nag voluntary exit na ang lola niyo sa PBB House.
Napaisip si Nanay, kasi parang wala nang makakatiis pa sa ugali ko. Kumuha siya ng magbabantay sa akin na nanggaling sa malayong lugar. Si Manang Gemma ay taga-Bagsakan. Pitong taong gulang ako nung pumasok siya rito sa pamamahay naman. Aba! Nakipag-boyfriend pa ito habang nagtatrabaho. Naalala ko pa ito noon na nag-away sila ng kanyang BF sa loob ng bahay. Natutulog ako non nang buong lakas niyang itinulak ang pinto ng kanyang kwarti, Umiiyak pa siya. Kaya nung gabing iyon, sinumbong ko siya kay Mudra. At pinagsabihan naman siya.
Aminado ako na sa lahat ng mga pumasok sa kasambahay dito, sa kanya lang ako nahirapan. Kahit anong gawa ko ng paraan, ayaw talaga. Kung hindi niyo pa po alam, noong bata ako mahilig ako maglaro-laro ng mga baril-barilan dahi napapanood ko ang mga babaeng kontrabia noon na may mga hawak ng baril. At espada-espada na gawa sa kawayan.
Nainis ako sa kanya. Kaya binaril ko lang naman siya sa paa. Oo! Naramdaman niya ang hapdi sa paa. hinabol niya ako dahil gusto niyang makaganti. Naloka ako. Hanggang sa plaza an takbuhan namin. Ang pawis sa katawan ko ay napakarami na.
Hindi niya namalayang nakauwi na ako dahil dumaan pa sa isang gate ng bahay. Pumasok ako sa kwarto at nagtago. Matapos ang ilang minutong pagtatago at nagbabalak nang lumabas, nagtaka ako nakit ayaw bumukas. Tinali niya pala pintuan nang hindi ako makalabas. Ako ngayon 'tong nakulong. Anak ng Butete naman. Dahil sa tuso ako, sumigaw ako sa labas. "Buligi niyo ako. Gina kulong ako ni Gemma!"
Maay maliit na butas sa gilid ng pintua. Diya siya nakabantay. Binantaan ko siya. "Umandam ka lang kung makaabot si Nanay. Isugid ko gid ikaw.". Ako pa rin ang may huling halakhak. At Oo, sinumbong ko nga siya. Habang pinagsasabihan siya. Doon lang ako sa likod tumatawa sa kanya.
Nagdesisyon siyang umali hindi dahil sa akin, kundi nabuntis lang siya ng kanyang asawa. Kaya ipinadala niya ang kakilala niyang taga Buga, Leom. Si Manang Chona, Ano pa ba ang mangyayari. Edi maiinis na naman ako sa kanya dahil na naman sa smellanie Marquez niyang kili-kili. Eh kung tikman mo yun, malalasap mo na talaga ang tunay na asim ng isang sinigang. Medyo nagtagal siya sa amin. Pero pinatigil lang sa pagtatrabaho dahil may sakit sa puso.
Nandiyan din si Manang Erlyn. Hindi siya stay-in dito sa bahay noon. Siya ang naghahatid sa akin noon nang ako'y sa CSJ pa nag-aaral. 12 Noon natatapos ang klase ko. Kaya humahabol pa kami para sumakay sa van at nang maka-lunch na sa bahay. Habang nakasakay kami, siya na ang pinagtripan ko.
Tinakpan ko ng panyo ang buong mukha niya't nilagyan ng perfume. Mahimbing siya sa pagtulog tila bang Sleeping Beauty lang ang peg niya. Aktingan lang naman ang ginawa ko. Kunwari natutulog ako. Nang siya'y magising, nagtaka lang siya bigla bakit nasa Alibango na kami bumaba. Eh sa Nichol naman talaga ang bahay namin. Hindi lang siya nakagising nang malapit na sa dapat naming bababaan.
Ang pinakamalayong kasambahay na si Cherry ay nanggaling sa Capiz. Bowman's Capsule ang tawag ko sa kanya. Talo pa kasi ang nunal ni Nora Aunor. Sino ba naman ang hindi mandidiri 'pag nakita mo ito palagi sa mukha niya. Kung nabubuhay lang siguro ang nuna niya:
"Hoy! Marjoe, 'wag mo akong mainsulto. Hindi mo ba alam na ito (nunal) ang asset ni Cherry?"
Naku po! Na imagine niyo na kung ano ang mukha? Pero sa akin, hindi ko lang na-imagine. Nakita ko pa noong pina-opera namin ito. Two inches lang naman ang lalim niya matapos makuha . Siguro sasabihin pa ng minamahal niyang nunal na--
"Paalam na sa'yo amo ko. Halos ilang taon akong dikit ng dikit sa'yo, pero ngayon makakalaya na ako. Salamat Kapatid."
Meron din kaming school girl. Aba! Close kami. Kasi naman ka batch ko lang siya. Pero kung minsan naman ay ayoko rin sa kanya. Nagkukunwari ba naman bingi pagdating sa utusan.
Naka-off na noon ang mga ilaw sa loob ng bahay namin. Tulog na ang lahat. Ako na lang ang hindi pa dinadalaw na antok. Naisipan kung pumunta sa kusina't kunin ang kutsilyo. Nagbihis ako ng damit at kulay puti pa ito. Dala-dala ko na nga ang kutsilyo. Nilagyan ng electric fan ang labas ng kwarto para magka-effect na horror.. Pinasok ko ang kwarto niya't tinakot. Wala siyang kaalam-alam na ako lang naman yun.
Kinaumagahan, habang ikinukuwento sa kasamahang kasambahay, natatakot ito dahil ayaw pa rin makalimutan ang nanggyari daw ng gabing iyon.
Pero hindi niyo ba alam na kahit nasa 10 years old na ako ay dala-dala ko pa rin pagiging tuso ko. Ngayon, hindi na 'to sa mga kasambahay. Grade four (4) ako noon, maraming lalake na kaklase ko. Mahilig akong mang-okray. Nung mga oras na yun habang wala pa ang titser namin, tinukso ko sila. Aba! Pinagtulungan ba naman ako. Kaya na-develop lang naman ang acting skills ko. Lumabas ako at pinilit umiyak sabay pa-ubo na dahil nga raw sa pagtapik ng likod ko.
Naniwala ang mga kaklase ko kung kaya't sinabihan nila ang English teacher namin na umiiyak ako.
Pinatawag sila sa Principal's Office at doon sinumbong ko sila. Bakas sa mga pagmumukha nila na natatatakot . Kaya humingi na lang sila sa akin ng Sorry. At simula nun, hindi na nila ako inapi.
ganyan ako ka tuso noon.
Kung mahirap paniwalaan, magtanong-tanong kayo sa mga nakakilala sa akin (: Salamat
Sabado, Mayo 7, 2011
Ang Aking Mudra!
Tutal buwan naman ng Mayo ngayon at marami na namang mga kapistahan sann mang panig ng bansa. May mga Flores de Mayo/Santacruzan din, atbp. 'Yan ang mga kaunting okasyon na ating pinagtutuunan ng pansin.
Ewan ko lang kung "lahat" ba tayo eh naaalala palagi ang pagbibigay-pugay sa Ilaw ng Tahanan o ang ating ina. Ang palaging palatandaan ko naman kasi sa pag-celebrate ng Mother's Day ay ang ikalawang Sunday sa buwan ng Mayo. At syempre, babati talaga tayo sa ating ina. Sino ba naman kasing impiyertenete ang hindi makuhang bumati sa kanyang minamahal na ina?
Nanay, Mama, Mommy, Ermatsko, Madir, Mudra, Momsy, iilan lang yan sa mga tawag natin sa ating dakilang ina. Sabi nga ng iba, kung ano ang tawag mo sa iyong ina ay nagre-reflect sa estado ng inyong pamumuhay. Kapag mama panggitna lang ang estado ng inyong pamumuhay. Sosyala ka naman kung mommy ang itawag mo. 'Yan ay ang haka-haka ng iba. Kayo na lang ang bahalang mag verify.
Pero sa akin, nanay talaga ang tawag ko. 'Yan na kasi ang nakasanayan ko simula't sapul pa man din. Wala naman talaga kasi kaming kayamanang naibaon sa lupa para maglakas-loob akong tawaging mommy ang aking ina. Aminado naman akong hindi kami gaanong mayaman. Katamtaman lang talaga ang lagay ng estado namin sa buhay. At tsaka mas maganda naman pakinggan ang nanay sa pandinig. Hindi naman ako sang-ayon sa sabi ng iba na patungkol sa estado ng mga pamumuhay ay konektado sa katawagan sa iyong magulang.
Eh sa pamilya ni Inay, walo sila't pampito naman siya. Imagine kung paano binuhay ni Lola silang magkakapatid. Pero bata pa sila noon, nang nag- 6 feet below the ground na nga 'tong si Lola. Nagpakatatag sila para mabuhay at kayanin ang hirap noon. Nagtulungan silang magkakapatid. Nagsikap silang mag-aral para makatapos at makahanap nga ng matinong trabaho. Ang aking minamahal na ina ay nag-aral ng Nursing. Siyempre 'pag sinabing Nursing nagtatrabaho kayo sa barko. Me ganun?
Kaya ko alam ang mga yan dahil palaging ikinukuwento ng aking ina ang mga yan sa aming magkakapatid at ang buhay niya noong dalaga pa siya't nagtatrabaho bilang nurse. Hanggang sa mapangasawa niya ang aking ama. At ang unang bunga ng kanilang pagmamahalan ay wala ng iba kundi...ako!
Pansamantalang tumigil ang inay sa pagtatrabaho sa hospital dahil nga sa pagbubuntis at para mabantayan/maalagaan niya ako. Masyadong maalaga talaga si Nanay si akin. Alam niya ang bawat hininga't utot ko. Kung saan man siya magpunta, palagi akong nakabuntot sa kanya.
Habang dumadagdagng isang taon, Tila nalulungkot ako pati na rin ang aking ina dahil sa nag-iisa lang akong anak nila. Tsaka pangit pala ng feeling 'pag wala kang kalaro kahit bata ka pa, Gusto kong masundan pa ng isang kapatid, pero hindi binibigay ng Panginoon ang hinihingi namin sa Kanya. Siguro sa mga panahong iyon ay hindi pa talaga ready.
Naaalala ko pa nga noon na bawat gabi ay nagdadasal kami ni Nanay sa harap ng aming munting altar. Dalawa lang kami dahil nagtatrabaho si Itay sa barko. Pinpangunahan ko pa 'yun. Dahil sa humihingi talaga ako ng isa pang kapatid.
Pero noong 6 y/o na ako, abot-langit ang tuwa na aking naramdaman dahil halos ilang taon na akong humihingi't nagdasal. Mabuti at pinakinggan Niya nga talaga ako. Nadagdagan naman ang responsibilidad ni Nanay pero sabi niya, hindi bale basta mapunan niya lang ang kasiyahan ko. Matapos ang dalawang taon na nasundan ang ikalawa kung kapatid, isang biyaya na naman para kay Inay dahil ipinanganak naman ang bunsong kapatid namin.
Alagang- alaga talaga kami ni Nanay. Lahat ginagawa nila ni Itay para mabantayan lang kami. Pero nang medyo lumaki na ang mga kapatid ko, bumalik ulit si Nanay sa pagtatrabaho. Ngayon, siya'y isa ng Clinical Instructor sa IDC. Mabuti at pinili niya ang schedule na 3x a week para matutukan kaming magkakapatid.
Kung narito naman kasi si Nanay sa bahay. palaging maayos ang mga gamit, masipag siyang maglinis, masarap magluto, kung may award mang Dakilang Ilaw ng Tahanan, deserving siyang tanggapin 'yun.
Masaya ang feeling 'pag kasa-kasama si Nanay. Pero 'pag dumating na ang punto na siya'y mainis sa amin, hindi siya ang tipo na parang bulkan kung mag-aalburuto. Iba siya. Para kang nag-attend sa isang misa. Relax siya kung magsermon sa aming magkakapatid. Hindi mo nga matukoy kung siya ba'y nagagalit o may ikinukuwento lang sa'yo Kung ako na nga ang may kasalanan, inihahanda ko na ang earphone. Pag na-umpisa na ang sermon niya, ilalagay ko 'to sa tenga't lalakasan ang music sa cellphone. O di kaya gagamitin ko ang unan para matakpang ang ulo ko lalo na ang aking tenga.
Pero mas close talaga ako kay Nanay, kumpara sa ama ko. Dahil nga siguro sa wala siya sa bahay at sa barko naman nagtatrabaho. Kung uuwi man siya dito, tatlong buwan lang ang tagal niya bilang bakasyon lamang. Kaya hindi kami gaanong nagba-bonding. Pero tina-try kong makapaglaan ng oras sa knya.
Nung nauso naman ang Facebook (2009), masyado ko itong na-enjoy, upload ako ng uplaod ng mga litrato. Hanggang sa naintriga ang iilan sa mga photos ko. Wala namang masama sa nai-post ko noon. Pero may nagsumbong sa kanya na mukhang nababakla na ako. Dumating sa point na gusto niya na itong makita.
Dumating din ang panahong pinakahihintay ko. Kaya nag close-door meeting kami kasama ang tatay ko. At tinanong nila ako kung ano ba ang tunay kong nararamdaman. Diretsahan kong sinagot na ako ay bakla. Hindi nila ako pinagmumura o pinagbawalan. Alam kong hindi nila yun kayang gawin lalo na ang tatay ko. Wala naman silang ganong ugali. Sa katunayan, sinabi pa nila na kung ano ang man ang gagawin ko susuportahan nila ako. Basta alam kong nasa tama ako. Ang pag-amin na yun ag dahilan kung bakit nagagawa ko na ang gusto ko at nakakagalaw na ako ng husto na walang pino-probelema. Wala na akong takot at dapat pang itago. Doon ko mas na appreciate si Nanay pati na rin si Tatay, nagawa nila akong tanggapin bagkus sa aking katayuan. Nagpapasalamat ako dahil sila ang mga magulang ko. At palagi nilang sinasabi sa amin na wag kalimutang makatapos sa pag-aaral at makahanap ng trabaho. Dahil ngayon pa lang, proud na sila sa amin.
Si Nanay din ang nagturo sa akin kung paano maging assertive sa lahat ng mga bagay. Basta alam mo lang kung saan ka lulugar at magsasabi ng side mo.
Kaya ngayong Mother's Day, pinilit ko talaga 'tong tapusing ang blog para ibahagi ang paghihirap ng nanay ko.
Maaga rin akong nagising kanina para batiin siya na may kasamang halik at yakap. Hindi ako nahiyang magsabi sa kanya ng i love you dahil nanay ko naman siya. Eh ang iba nga nahihiya pang bumati. Pinapadala pa sa pagsulat, text, post sa FB, etc. Hindi naman pwedeng idikta ng ating ina na sasabihin natin sa kanya. Ano pa ang saysay ng sinseridad natin.
Wala nang kasing-sweet ang "I love you, 'Nay!" na maririnig niya mula sa anak ang mga katagang kinababaduyan mo.
Sabihin mo sa harap niya habang humihinga pa siya, habang nakadilat pa ang kanyang mga mata, habang alam mong makikita mo ang pagngiti niya pag narinig niya ang mga katagang 'yon mula sa iyo.
Pag nahiya ka, ano? Saka mo kakapalan ang mukha mong sabihing "I love you, Nay!"? Kapag hindi na siya humihinga? Nakahiga na't nakapikit na ang mga mata niya at hindi ka na niya naririnig at nararamdaman kahit kelan?
Alam mo kung paano pangitiin at pakiligin ang nanay o ang mama o ang mommy mo. Gawin mo na ngayon, huwag mo nang ipagpabukas pa
Huwag ka nang mahiyang mag-i love you sa nanay mo. Mas nakakahiya ka kung nagagawa mo 'to sa girlfriend o boyfriend mo, pero hindi sa nanay mo.
Oo, sila ang nagpapasaya ng puso mo, pero hindi sila ang nagbigay ng buhay mo.
Kahit na nag-asawa ka na, o minsang ng nag rebelde sa nanay o tatay mo, babalik at babalik ka rin sa kanila.
Kaya magpasalamat na talaga tayo sa kanila!
--fierce & love,
MARSHelino

Linggo, Mayo 1, 2011
Kasing Bright ni Snow White
Nung bata pa tayo, palaging ikinukuwento ng ating mga magulang ang tungkol sa isang Fairy Tale na may pamagat Snow White & The Seven Dwarfs. At sa halos lahat ng mga libro, sinasabi na-- "Her hair as black as ebony, lips as red as roses ang her skin as white as snow. "
Sa Pilipinas, bihira lang sa ating mga Pinoy ang mga mapuputi. Ang iba ay nasa kanilang kinagisnang lahi. Kung artista ka, kailangan maputi ka para mapansin agad ng mga fans, magkaroon ng mga maraming commercials, atbp. Hindi nga lahat ng artista ay talagang mapuputi. Maaaring sila ay gumagamit ng mga sabon na pwede ka ng maputi sa ilang linggo lamang. Ang iba ay pumupunta pa kay Dra. Vicky Belo nang magawan talaga ng paraan ang kanilang pagpapaputi. Ke choosy ng mga artistang ito. Lahat gagawin talaga. Kung sabagay, may mga pera namang mga 'yan.
Pero hindi lingid sa aking alam na kahit hindi artista, nag-effort silang magpaputi. eRICH gonzalez naman kasi ang pamilya ng mga itey. Kung kaya't maiisip mong alagang-alaga ang kanilang mga mapuputing balat. Sino ba naman ang hindi gustong maging maputi kahit na ang iba ay pinanindigan nga ang kanilang motto na: Black is beautiful.
Palaging nasa plaza ang isa sa Snow White na ito. Naka-shorts ng maikli. Hindi naman siya Charo Santos-Conscious sa kanyang pananamit. Baka gusto niya lang ipakita ang kanyang legs. Kung ang pinuntahan niya ay lungga ng mga lamok, tiyak siya ang pagtitripan ng mga 'to. Mas maloloka kayo kung sasabihin ng isang lamok sa kanyang kumpare na: "Pare! Tingnan mo ang legs niya, nakakasilaw. Dapuan nga natin ng malasap naman ang kaputian ng kanyang legs. Tiyak na sariwa pa ang mga dugo nito!".
Kung kaibigan ko lang din naman ang mga 'to, hindi na ako mag-aatubuling itanong kung ano ang kanilang sabong ginagamit o pinapahid sa katawan. Pero sabi ng source ko, hindi sabon, etc ang ginagamit. Kundi isang glutathione. Hindi ko alam kung ito ba'y isang capsule o ini-inject sa katawan ng mga dalagitang itey.
Kung mag census ka sa kanila o di kaya'y alamin ang family tree ng mga 'to. Mapapansin mong hindi gaanong mapuputi ang mga ito. Sa isang dalagita, siya lang naman ang may taglay na kaputian. Parang tan ang kulay ng kanilang panganay. Ganun din ang pangatlo't pang-apat. Pero itong si dalaga at SuperDuperMega ang pagka-maputi. At baka iisipin mong siya'y inampon ng mga magulang dahil sa kaibahan ng complexion.
Pero sobra pa ang isang Maria Clara na ito. Super tahimik talaga ito kahit saan mo dalhin, hindi gaanong nagsasalita. Malamang nagagalit palagi ang mga laway nito at magpuputak sa kanyang kumare na-- "Mads, ano ba naman 'tong Boss natin, hindi nagsasalita. Inip na inip na ako rito sa loob. Ni malanghap lang man ang sariwang eh ayaw akong pagbigyan. Baka gusto niyang maging mabaho ang hininga." . Pati ang kumare ng laway, agree rin yata sa sinabi ng kanyang mads eh.
Natitiyak kong paborito ito ng mga lamok talaga. Parang pinaliguan naman siya kasi ng gatas. Sus! Ni sino kaiinggitan talaga siya. Mapa-babae man o mapa-bakla. Talo pa niya ang isang dalagita kanina sa pagiging maputi. Hindi pa na kuntento, maglalagay pa ito ng pulbos sa mukha. Na-imagine niyo na ba kung gaano siya ka puti?
Hindi lang naman siguro Glutathione ang dahilan kung bakit siya maputi. Hindi rin naman kasi siya lumalabas-labas ng kanilang bahay. Kung kaya't isa rin ito factor para maging maputi siya. Gayunpaman, hanga ako sa babaeng ito, wala kang maririnig na kahit ano sa kanya.
Pero kung totoo mang gumagamit sila ng glutathione, sana tigilan na ito. Ang bata pa kaya nila parang sumailalim sa ganyang bagay. Maraming side effects 'pag uminom/nagpa-inject ka ng glutathione. Malaki ang chansa ng maaapektuhan talagaang iyong atay dahil sa hindi kaya ang sari-saring mga chemicals na pumapasok sa katawan.
Hindi naman sila artista para gawin ang mga kaartihang 'yan. Mas aprubado pa 'pag sila'y gumamit ng sabon. Hindi naman kasi talaga kailangang gamitin agad 'yan. Baka yan pa ang dahilan kung bakit magagalit ang mga libag sa kanilang katawan-- "Mga kalahi kong libag, ikinakahiya tayo ng mga dalagang ito. Dapat natin silang turuan ng leksyon. Itaas ang bandera nga mga libag!" haha.
Sana nga magawa nilang tanggapin ang ibinigay sa kanila ng Diyos at makuntento na lang kung ano ang meron sila. Hindi ba't mas marami pa ang makaka-appreciate sa tunay mong ganda kung lahat-lahat ay original.
Pero sa kanila na 'yon. Hindi naman natin sila pwedeng pakialaman sa kanilang pinagaggawa.
Bawat indibidwal ay may sari-sariling opinyon.
--inuulit ko palagi, DEMOKRASYA ang pamahalaan natin. May isang part na nagbigay ako ng opinyon ko.

Talasan ang pag-iisip dahil ang isa rito ay parang isang mythological creature. Ang pangalan ng isa ay maaalala mo 'pag napuna ang mga mabibigat na ulap sa kalangitan at ang epekto nito.
Biyernes, Abril 22, 2011
Palabra de Honor
Hindi na bago sa atin ang salitang Espanyol na Palabra de Honor o Word of Honor ika nga sa Ingles. Pero ano nga ba ang taglay nitong kahulugan para sa isang indibidwal at sa nasasakupang grupo, etc? Gaano rin ba ka importante ito? Mga matatanda lang ba noon ang nagpasimula nito at ginamit? Pero ang malaking katanungan ay meron pa ba tayo niyan?
Minsan, nakabangga ko/namin ang salitang ito sa isang subject. Nakalimutan ko kung ano ang dahilan kung bakit nagalit ang teacher namin. Ang tanging natandaan ko lang ay parang may sinabi kaming gagawin sa kanyang subject pero hindi namin ito nagawa. At doon niya sinabi ang linyang-- "Waay gid kamo ti Palabra de Honor."
Tumahimik nga ang lahat. Pero hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila. Wala naman akong kakayahan upang mabasa kung ano ang laman nito. Nasisigurado ko na ang karamihan, nag-iisip kung ano nga ba ang salitang 'yon.
'Pag sinabing Palabra de Honor tumutukoy ito sa isang pangako o may isang salita. Pero may mga tao talagang kahit matagal na kayong magkakilala at magkakaibigan, wala pa ring salita at paninindigan.
Meron din akong experience niyan. Kung ito'y bibilangin, sobrang marami na. Dapat ding palampasin 'yon. Pero may isang pangyayari rin na nawala sa alaala nila ang salitang ito.
Kapag Semana Santa, panahon para magnilay-nilay. Dito sa Alimodian 'pag sinabing Semana Santa hindi maikaila na ang unang pumapasok sa ating isipan ay ang pag-akyat sa Agony Hill. Nilalakad ang 1st Station hanggang sa last station.
Ito rin ay isang penitensya upang mabayaran ang ating mga kasalanan. Ang iba, pumupunta lang sila doon para makapag-usap-usap. Ano pa ba ang sinabi nilang panata kung ang pag-akyat nila dun ay hindi rin sila nagdasal? Kalurky 'yong mga ganyang tao. Ang iba naman, ginawang family reunion ang pag-akyat. Sayang lang ang pagod at hindi ginamit sa tamang paraan.
Pagpatak ng Alas-tres sa hapon, may misa para sa lahat at isang procession. Nakasanayan na 'yon ng mga Alimodiananon na gawin bawat taon.
1:00PM pa lang, nagtext na ako sa mga ka kilala ko. Dahil merong nagsipangako na magpo-procession kaming grupo. Halos ilang beses pinagplanuhan 'yon. Kaya ako na mismo ang nagsipagtanong kung tuloy ba talaga.
Pero sa kasamaang-palad, walang may nagreply sa text ko. Ni SmartAlert ay wala akong natanggap. Nakatulog ako ng mahimbing at tumagal ng isang oras at kalahati. Pagka gising ko, umaasa ako na 'pag na-open ko na ang phone ko, may text akong mare-receive. Pero sa kasamaang-palad ulit ay wala.
Kaya ang tanging alam ko lang na gawin nung oras na 'yon ay ang mag- Group Message (GM) sa mga kakilala ko. 2:30 na 'yon at wala pa ring may nag-text. Ang sabi ko sa sarili ko, 'pag walang may nagtext, hindi na ako magsisimba at magpo-procession. Dahil nga sa wala naman akong kasa-kasama. Para lang akong tanga 'pag ako'y nagprocession. Quarter to 3 na at wala pa rin talaga ang may nagreply.
Kung kaya't iyon ang dahilan bakit napikon na ako sa kakahintay. Nag-GM ako ng galit na galit.
May isang malaking katanungan talaga ako nun-- Kung saka-sakaling wala silang load, pwede rin naman silang humiram ng cellphone sa kakilala nila at gamitin pangreply. Para alam ko kung sino ang sasama at hindi. Wala rin ba silang sentido kumon nung mga oras na 'yon? Mahirap bang i-text ang salitang HINDI kung ayaw mo namang sumama? Ano pa ang silbi ng cellphone mo kung hindi mo rin lang naman gagamitin pag kinakailangan na? Ngunit Subalit Datapwat, ginagamit lang nila ito sa mga witi-witing bagay.
Eksaktong 3PM na at nagtext si Shanen sa akin na kung magsisimba ba ako. Oo! ang reply ko. Nawala na sa isip ko kung sino man ang kasa-kasama ko. Basta makapagsimba lang ako. Nakabihis na ako at hinhintay ko lang ang mga nagsabi noon na mag procession pero wala naman.
Binigay niya ang number nina Jason at Aldin sa akin para itext na magsimba. Pati si May2 na matutulog pa sana ay tinext ko rin na tuloy ang pagsisimba kasama sila. Mabuti at pumayag sila. Last minute na nga talaga 'yon. Kung kaya't tarantang-taranta ako. Ganyan kasi ang epekto kung hindi napagplanuhan.
Sa simbahan, tahimik ako 'pagkat iniisip ko na bakit umasa pa ako sa wala. At naniwala sa mga plano nila. Konsensya lang ang tanging kalaban nila (haha).
Ang inakala kong maliit lang kaming magpo-procession ay dumami rin pala. Mabuti at hindi ako nasayangan sa pagkakataon.
Two weeks ago, nagplano rin kasi kaming mag-outing sa beach. Hindi biro ang pagdedesisyon at pagpaplano dahil hectic na ang mga sched. 25 kaming magkaklase at 5 ang CAT. Hindi sila pwedeng i-excuse dahil sumasailalim sila sa isang training.
Plus ayaw din ng ibang sumama. 17 ang expected na sasama. Halos nakabayad na ang lahat. At nang araw na 'yon, excited na nga ang lahat pero meron ding hindi itinuloy ang pag-outing. Nangako silang sasama pero bakit nila binasag 'yon.
Para sa akin din, ang Palabra de Honor ay konektado rin sa pagiging Filipino Time. Isa sa mga sitwasyon ay 'pag may isang tao ang nagsabi na kung may meeting, etc, dapat dumating sa eksaktong oras, pero itong mismo ang nanguna sa pagsabi hindi naman nakarating sa eksaktong oras o hindi talaga nakarating.
Ganyan talaga ang mga ugali ng ibang Pinoy. Sana naman, matutunan natin ang halaga nito. At sana kaya nating panindigan ang mga pinagsasabi natin. Hindi yung hanggang salita lang.
Isipin din sana na may mga taong apektado sa pinaggagawa natin. Nang dahil sa hindi naitupad na pangako, maaaring mawalan ng tiwala ang mga kaibigan o kung sino pa diyan sa atin. Dahil sapat na ang nangyari sa akin para mawalan ng konting tiwala sa mga taong sangkot.
Nawa'y nagsilbing isang leksyon ang blog ko na ito sa inyo.
-fierce & love,
m a r j o e

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)