Miyerkules, Hulyo 20, 2011

Taghiyawat

             Nangako akong tatapusin ang blog na ito. Kanina lamang, naka-chika ko si Gale Alquitran sa tricycle, normal na raw siya kasi may pimple nang tinataglay.

            Pero kung may teleserye mang tungkol sa topiko ngayon, sana pasado ang mga linyang ito.


        Kahit kailan, hindi kita kailangan. Bakit sulpot ka nang sulpot? Nakakasira ka ng araw. Nakakasira ka ng diskarte. Mako-conscious na naman ako niyan, dahil nandiyan ka. Bwiset ka!"

            Kung may buhay lang ang "taghiyawat" at nakakapagsalita rin, siguro, sinagot ka na niyan ng, "Ulol! Ga*o ka? Pinagpuyatan mo 'ko, tapos, ieetsa-puwera mo lang ako? Okay ka lang?"

          Sino ba'ng gusto ng pimples?
          Sa mga sanay nang tubuan nito, normal na lang ang dayalog na, "Ah, okay. Andiyan ka na naman. Favorite mo talaga ang mukha ko! Mawawala ka rin!" na pag nawawala nga, kaagad-agad, may kapalit na naman ito hanggang hindi mo namamalayan, wala ka na palang pimples na puwedeng mapaglagyan pa sa mukha mo.

          Siguro, kung may mga paa lang ang pimples, palalagyan mo rin ng pinto ang mukha mo para hindi makapasok at pamahayan ng peste.

          Kahit kelan ay hindi mo puwedeng sabihing weather-weather lang ang pagtubo ng pimples sa mukha mo. Kung minsan nga, hindi ka naman nagpupuyat, kumbakit paggising mo, andiyan na naman siya.
Na ang katwiran naman ng iba, "Tumutubo 'yan kasi isip ka nang isip, balisa ka, nagwo-worry ka, hindi ka mapakali!"

          Ako, noong Grade Six hanggang ngayong HS ako-- walang exaj, ha? Juice ko po, araw-araw, ang lulusog ng mga pimples na tumutubo sa mukha ko. Mapipintog at mabibilog. Na otomatik na 'yan, ipiprik ko talaga siya to death na magiging sugat, tapos, hahayaang mag-heal hanggang sa maging scar na.
          Tapos, same procedure kapag bumalik uli ang hayop na pimples.

          Charo Santos-Conscious talaga kasi ako sa pimples, eh. Lalo na nu'ng araw na kung ano-ano na lang ang kapaniwalaan kong kayang sumugpo sa pimples ko.

          Hindi naman nagbubuntis ang pimples, di ba? Pero nanganak siyang lalo. Kaloka!

          Ang ginawa ko, dasal na lang kay St. Therese. Kilala niyo ba si St. Therese? No, 'yung iniisip niyo, Santo 'yon. Si St. Therese na kilala ko, iyan yung ginagawa ko na lang sa pimples ko noon, dahil walang pampagamot--Therese nang Therese.

          Kaya noong papasok na ako sa HS, sabi ko sa sarili ko, dapat bongga naman ng fez ko  Basta kahit chaka (read: pangit) ang face ko, ang importante, humupa lang ang tsunami ng pimples sa mukha ko.

          Kung sino-sinong mga OPM (Oh, Promise Me!) na dermatologists na ang nakipagpambuno sa pimples ko, kung ano-anong gamot ang binili ko mismo sa clinic nila, 'yung iba, nagreseta pa at sa botika ko pa ipinagbili, wa pa ring talab.

          Minsan nga, naisip ko, sa dami ng resetang nasa akin, ano kaya kung 'yung reseta na lang ang ipahid ko sa mukha ko, magkahimala kaya? Ganyan ako kadesperado noon.

            Hanggang sa nag-chat sa akin si Nang Sharahbelle, nag-suggest na ring gumamit ng 1st Health Glutathione Soap. At napansin ko na rin ang paunti-unting pagbabago.

            Hindi naman ako doktor. Isa lang akong nilalang na punumpuno ng karanasan, este, ng pimples noon. Bibigyan kita ng tips kung paano maiiwasang magka-pimples. Saveehh?

            Alam kong depende pa rin sa type ng skin mo, sa habit o sa routine mo, sa mga kung anik-anik na inilalagay mo sa mukha mo o sa sabong gamit mo kaya ka nagkaka-pimples.
            Pero base sa aking "pimple journey," eh ang dami kong na-realize.

            Una, pag makinis na ang mukha mo o hindi ka tinutubuan ng pimples, kung ano 'yung routine mo sa mukha mo o sa life mo, 'yun ang i-maintain mo.

              'Wag ka nang maging vain. 'Wag mo nang balaking magkutis-artista na gusto mong ma-achieve ang rosy cheeks. Baka mag-react lang ang skin mo sa ipapahid mong astringent o ointment o sa pinaiinom sa 'yong tabletas o capsules. In short, 'wag kang umarte porke me panggastos ka. Lalo kang gagastos pag hindi mo na-achieve ang pangarap mong rosy cheeks.

            Pangalawa, pag tinubuan ng isang pimple ang alinmang parte ng mukha mo, deadmahin mo. Wag mong papansinin. May isip ang pimples. Nang-iinis ang mga gagong 'yan. Pag 'yung kaisa-isa ay tiniris mo, natural, magre-react 'yan.   

            "Ah, gano'n, tiniris mo 'ko? Puwes, humanda ka, isusumbong kita sa mga kasamahan ko para lalo kang pamugaran ng aming angkan! Bwahahaha!"

            Pero kapag dinedma mo, mararamdaman ng pimple na 'yan na, "Bakit hindi mo 'ko tiniris? Paano ako manganganak nang marami, ayaw mong pisain? Ayaw mo 'kong pansinin? Magtatampo ako sa iyo"

            Alam n'yo naman ang mga pimples, para siyang multi-level marketing o 'yung tinatawag na "networking." Pag hindi gumana ang "upline," hindi siya makakakuha ng mga "downline."

            Pangatlo, pag hindi ka makatiis at kating-kati ka nang tirisin ang unang pimple na tumubo sa mukha mo, hugasan mong maigi ang mga kamay mo bago mo ito tirisin (hangga't maaari, wag gawin ito). Tapos, kuha ka ng yelo ('wag 'yung nakadikit sa wall ng freezer, ha?). Idikit mo 'to sa apektadong area of responsibility for how many minutes.

            Pang-apat, pag may tumubong pimple sa tungki o tuktok ng ilong mo, nako, please, 'wag na 'wag mong pakikialaman.
            Juice ko, pimpolin ka na sa ibang bahagi, 'wag lang sa ilong, dahil sentro ang ilong, kahit anong kinis ng mukha mo, pag meron kang isang bonggang pimple sa tungki ng ilong o pimple scar (ang masaklap nito kung umaalsa ang scar o nagiging keloid), mapapansin pa rin 'yan ng mga fans mo (kung meron, ha?).
              Ipagdasal mong sana, next time, sa loob na lang ng ilong tumubo kahit ang sakit.

            Panglima, kapag sa noo tinubuan ka, baka natutusok ng mga dulo ng bangs mo, kaya i-brush up mo o awatin mo ng headband o ng hairclips.  

            Pang-anim, 'wag kang Charo Santos-Conscious na harap ka nang harap sa salamin para silipin kung may pimple kang nag-"guest of honor."     
       
            Pag inisip mong baka tinubuan ka na kaya ka tumitingin sa salamin, baka sorpresahin ka ng pimples sa ibang araw, sige ka.

            Pangpito, kung nandiyan na 'yan at nataymingan naman na magpapakuha ka ng litrato na pang Profile Picture sa FB, baka puwedeng i-photoshop ang litrato mo.
            Doon man lang sa litrato mo, kuminis ang mukha mo. Agree?

Pangwalo, kung bago mo nabasa ito eh huli na at marami ka nang pimples, i-sey mo na lang sa mga makakapansin, busy ka kamo at puyat palagi, kaya "bepimpled" ka.
            Para hindi na masyadong masakit sa damdamin.

            Pero come to think of it, panlabas na anyo lang 'yan. Mas importante pa rin ang ugali mo sa iyong kapwa at sa sarili.

            Hindi kailanman tinitighiyawat ang pagkatao ng isang tao. Kung hahayaan mong madungisan ang iyong pagkatao, saka mo ituring na taghiyawat 'yon.


            Papaapekto ka ba sa pimples kung marami namang nagmamahal sa 'yo resulta ng pagiging isang mabuting tao mo?
            Depende naman iyan kung paano mo ipi-presenta ang sarili sa madla.

Tandaan mo...
            Balewala ang pimple kung marami namang natutuwa sa 'yong pipol.

Sabado, Hulyo 16, 2011

Public Display of Affection

          Pag-ibig nga naman, hahamakin talaga ang lahat makuha lang ang gusto. Kung minsan hindi mo na alam ang mga pinaggagawa, kung ito ba'y labag na sa inyong pagmamahalan o hindi pa. Hindi naman talaga maiiwasan sa ibang relasyon na ibibigay talaga ng babae ang lahat-lahat sa kanyang syota o kahit vice versa.

            July 9, 2011 sa oras na 9:30 ng umaga, may photoshoot kami sa school na magsisilbing proyekt sa MAPEH at about Physical Fitness iyon. Naka- PE Attire kami ng bonggang-bongga at inumpisahan muna sa stretching.

             Pumunta na rin kami sa Lawn Tennis Court para mag-perform  ng iba't-ibang Physical Fitness Test. Sa kalagitnaan, natanaw ko ang dalawang mag syota na ito. Naglalambingan at naghaharutan sa likod ng CR ng Science LRC. Sa una, hindi ko maalintana kung sino ba ang dalawang iyon, mabuti na lang at kumakain ako ng kalabasa kung kaya't na focal zoom ko silang dalawa.

           Na bother ako sa kanilang dalawa at sa mga pinaggagawa (ayokong i-detalye). Hindi nila naisip na kapag Sabado, may mga estudyante pa ring bumabalik sa school.

           Nag-perform din kami ng 50-meter sprint at 1000-meter run. Sabi ko sa aking sarili, makikilala ko na ang babaeng itey. At hindi nga ako nagkamali, Siya nga! Si _______. Omehgad! May patakip pa ng pagmumukha si Girl, as if naman na whindi namin siya nakilala.

           Pero ito pa ang mas nakakaloka, habang nagpe-perform kami, hindi pa rin sila maawat ng kanyang jowa. Nakahilata si boy sa hita ni babae, Napaka SuperDuperMega PDA naman ang mga pinaggagawa nila.

            Tapos sasabihin niya na nakakahiya ang kanyang ginawa. Talagang nakakahiya. Mukhang wala siya sa tamang pag-iisip.

            Basta ang name niya ay magkatunog sa bagay na pansulat at ang apelyido ay iyong ginagawa sa door ng isang mall kapag ikaw ay may balak pumasok. Yun na!

~Sana hindi mangyari na may lolobo sa kanyang katawan.